Charlie
Lumipas pa ang ilang araw at pinilit ko nalang kalimutan ang mga nangyari noong nakaraan. Gusto ko ring ibalik ang cellphone ni kuya para hindi ko na makita ang mga malalaswang litrato at videos sa gallery niya. Pero ayaw ko rin namang bumalik sa GeneRation Labs at baka makita ko pa ulit si André.
Tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa aking anak. Ngayong summer break na nina Clau, kinailangan ko siyang pabantayan kay papa dahil wala namang ibang mag-aalaga sa bata. Nag-volunteer rin naman si Eko na pwede siya sa tuwing hindi masyadong busy sa talyer.
Sobrang higpit rin kasi sa company kung saan ako nag-i-intern ngayon. Hindi pa naman ako regular na employee kaya wala akong sick leave na matatanggap kapag umabsent ako.
Habang nasa lunch break ako, isang text message ang aking natanggap mula kay Fina. Matagal na rin kaming hindi nagkikita.
Simula noong naaksidente si André, wala na rin akong balita sa kanya. Lagi naman niya akong inaaya sa tuwing may okasyon, pero hindi ako sumisipot. Ako na mismo ang umiwas dahil ayaw kong makarinig ng kahit anong balita noon tungkol kay André.
From Fina:
Hello Charlie
Kumusta?
Gusto lang kitang iinvite sa birthday party ni Thia sa Sabado sa mansion
Sana makapunta ka :)
Bumuga ako ng hangin habang nag-iisip ng isasagot ko. Hindi nila alam na may anak kami ni André. Walang ibang nakakaalam nito kung hindi sina tatay at Eko lang. Umuwi kasi ako ng probinsiya noong pinagbubuntis ko si Clau.
Siguradong pag pumunta ako sa party, nandoon rin si André. Wala pa akong balak sabihin sa kanilang lahat ang tungkol sa anak namin. Hindi nalang muna ako nag-reply at bumalik na ulit ako sa trabaho.
Nang makauwi ako sa condo, naabutan ko si Clau na nanonood ng tv sa sala habang nagluluto si tatay.
"Nandito na po ako," anunsiyo ko.
"Mama!" Agad akong sinalubong ng aking anak ng yakap at halik.
"Kumusta ang baby ko?" Inulan ko ng halik si Clau sa kanyang pisngi.
"Mama, nakikiliti ako," reklamo ng bata sa akin habang humahagikgik. Binitawan ko na siya at hinayaang manood ulit ng tv.
"Pa," bati ko kay tatay sa kusina.
"Anak, uuwi muna ako sa probinsiya sa Sabado para tignan ang bahay natin doon."
Tumango ako. "Sige po, pa. Walang problema."
"Oh, siya kain na tayo."
Matapos naming kumain, pinatulog ko na si Clau. Gusto niyang lagi ko siyang binabasahan ng bedtime story. Ngayong gabi, ang istorya ni Pinocchio ang napili ni Clau.

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art