Chapter 35

2.2K 22 0
                                    

Charlie

One day ago...


"Charlie, may order ka ba?" tanong ni Fina habang papasok sa sala nang bisitahin niya ako sa apartment isang araw.


"Ako? Mag-o-order? Kulang pa nga ang pera ko pang-kain sa araw-araw eh," sagot ko habang nagtutupi ng mga damit na nalabhan ko noong nakaraan. Sabado ngayon at katatapos lang rin ng trabaho ko sa talyer kanina.


"Eh bakit may parcel ka sa labas?" patuloy na sabi ni Fina kaya pumunta ako sa tabi niya sa sala para tignan ang hawak niyang parcel. Naka-pangalan nga sa akin ang isang malaking box na galing sa isang mamahaling brand - Coco Chanel.


Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko. Tingin mo kaya kong bumili diyan?"


"Baka kay André galing?"


Wala namang nakalagay kung kanino ito galing. Binuksan ko ang box at bumungad sa akin ang isang maliit na envelope. Maliban sa envelope na may logo ng Chanel, may isa pang envelope na nakalagay dito. Nakasulat ang pangalan ko sa gitna nito. Charlemaigne Sandos.


"Ano 'yan? Invitation para san?" Usisa pa ni Fina.


Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang envelope. Isang typewritten na letter ang nakalagay dito.


Dear Charlemaigne Sandos,

You are cordially invited to GeneRation Labs' inauguration party tomorrow to be held at Safe Haven Suites Ballroom A at 7 pm.

With love,

Stefano Gene Laurent


"Galing sa daddy ni André," mahinang sabi ko sabay tingin kay Fina.


Napaawang ang labi niya. "Hindi ka ba sinabihan ni André?"


Umiling ako. "Hindi pa siya tumatawag simula kahapon."


"Baka busy lang sila para diyan sa party."


Napalunok ako. "O baka may nangyari na sa kanya."


Hinawakan ni Fina ang kamay ko. "Huwag naman sana."


"Pupunta ba ako dito? Wala akong kilala doon," usal ko habang nakatingin sa itim na bestidang laman ng box. May dalawa pang box na may laman ring pares ng heels at maliit na handbag mula sa parehong brand.


"Kung invited ako, sasamahan sana kita. Pero, hindi eh," sagot naman ni Fina. "Baka nandoon naman sina Koleen."


"Paano kung wala? Eh di mag-isa lang ako doon."


"Nandoon rin si André."


"Masama ang kutob ko dito, Fina. Para kasing suhol ito eh. Paano kung paghiwalayin kami ng daddy niya?"

The Elixir Project [Gen L Society #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon