Chapter 45

3.9K 44 8
                                    

Charlie

"Chal, you don't have to stay here if you don't want to. Sasabihin ko kay dad. I'm sure he'll understand," saad ni André habang nasa kwarto kami.


"Paano ko tatanggihan ang dad mo? Baka sabihin pa niya ang arte ko o kaya walang utang na loob. Ilang linggo na kaming nandito sa bahay niyo, Andres," paliwanag ko.


"Chal, technically, asawa na kita. You have every right to be here in this manor."


"Technically, hindi pa tayo kasal," punto ko.


Ngumuso ang lalaki sa akin. "I'll tell dad I don't want to become the CEO of our company anymore. Pwede akong magpatayo ng own business ko sa Pilipinas. Maybe a restaurant. Magaling naman akong magluto."


"Magaling nga magluto... ng chicken nuggets," panunukso ko.


"I'm serious, Chal."


"Sus. Ang lakas ng loob mo ah porket may three months experience ka noon sa restaurant."


"Three months was enough."


"Sige na, Andres. Sundin mo na ang daddy mo. Uuwi kami ni Clau sa Pilipinas at hihintayin ka namin doon hanggang matapos ang training mo dito. Ilang buwan nalang naman di ba?"


Tumango ang lalaki. "Mamimiss ko kayo."


"Huwag kang mambababae ha?"


Sumimangot naman siya. "Why do you always assume na ipagpapalit kita?"


"May tiwala naman ako sa'yo. Hindi lang ako kampante sa mga babaeng umaaligid sa'yo. Magsuot ka kaya ng singsing para kunwari kasal na tayo?"


"No! Baka ma-jinx ang kasal natin!" protesta niya.


Bumuga ako ng hangin sabay tayo mula sa kama. "Nasan na ba si Clau?"


"Chal, wait!" Hinila ako ng lalaki pabalik sa kama kaya nauntog ang ulo ko sa dibdib niya.


"Aray ko, Andres!" Hinimas ko ang ulo ko habang umiirap sa lalaking nakangisi sa akin.


"Midday sex?" Tumaas ang kilay niya kasabay ng labi niya.


"Ayaw ko! Wala ako sa mood!" Pinilit kong tumayo ulit pero hinigpitan niya ang hawak sa aking katawan. Binuhat niya ako hanggang sa nasa ibabaw ko na siya.


"I can always set the mood for you, Chal," pabulong niyang sabi habang nakalabas ang dila niya at mukhang handa na akong wasakin.


"Mama! Daddy!" Biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto kaya agad kong tinulak palayo si André sa kama.


"Holy mother... Bless our eyes, dear God," komento ng kapatid ni André na si Hive habang tinatakpan ang mga mata ni Clau.

The Elixir Project [Gen L Society #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon