Chapter 23

372 18 0
                                    

Jaxon's

I'm exhausted.

Nag stay muna kami ni Jacky sa hotel bago umuwi ng bahay dahil sobrang lakas ng ulan.

Alas dos na ng madaling araw at gustong-gusto ko nang matulog pero nasa kama si Kenzi. Ayaw kong tumabi sa kanya at ayaw ko rin matulog sa sofa.

Dapat talaga nag paumaga na lang ako sa hotel eh. Madaling-madali kasi si Jacky kasi may emergency daw sa bahay nila kaya sumabay na ako sa kanya sa pag check out.

Basang-basa rin ako ng ulan kaya kailangan kong maligo bago matulog kasi baka trangkasuhin ako pero tinatamad na ako kasi pagod na ako!!!!!!!

Uwahhhhh!

Nakakaiyak!!!

Ang sarap ng tulog ni gago oh, tulo laway pa, jk.

Malaki naman ang kama kaya kung tatabi ako sa kanya paniguradong hindi kami magdidikit sa pagtulog hehe, lagyan ko na lang ng unan sa pagitan namin para safe.





—————

After Jaxon took a shower, he decided to sleep beside Kenzi and put seven pillows in the middle of the bed.

When the morning comes, the pillows that were supposed to protect Jaxon from being touched by Kenzi become useless because they both wake up cuddling each other.

—————




Jaxon's

"Don't look at me like that, as if I purposely did it."  Pagtatanggol ni Kenzi sa sarili nya.

Halos masuntok ko sya kanina sa sobrang gulat. Hindi ko naman sya sinisisi kasi sa likot kong matulog expected ko nang magiging useless yung unan na nilagay ko.

"Bakit? Hindi ba?" 

I'm not mad or what, gusto ko lang bwesitin araw nya.

"Kahit sinadya ko man yun o hindi wala namang problema kasi kasal tayo. Saka nakayakap ka rin sa'kin ah, bakit parang ako lang ang lumalabas na may kasalanan dito?" Kenzi

Mas maganda pakinggan ang boses ni Kenzi kapag nagsasalita sya ng tagalog.

"Correction. Kasal LANG tayo sa papel, okay? Sinisi ba kita? Kung makasabi ka dyan na kasalanan parang may ginawa tayong mali." 

Ngumisi sya sabay sipol at nag salita.

"So, you're saying na hindi kasalanan 'yon? It means pwede natin ulit gawin 'yon since hindi naman mali, 'di ba?" sabi nya na bakas sa itsura ang pang-aasar. 

"Hindi, ano ka sini-swerte?" 

Nawawalan ako ng sasabihin kapag bumabanat si Kenzi ng ganito, lintek bakit hindi ako nag prepare? Kung alam ko lang na ganito mapapang-asawa ko edi sana simula ng iluwal ako ni Mama, nag training na agad ako sa pagsagot ng mga banat nya. 

"C'mon, we should do things na ginagawa ng mga mag-asawa. In a few months mag di-divorce na tayo oh. Let's just enjoy this moments, I'm sure you're going to miss me like crazy HAHAHAHA" Kenzi

I almost forget about the divorce, masyado akong nag enjoy sa kalandian ni Kenzi knowing na may nag-aantay sa'min na hangganan.

"No, thanks. I'm good  for being like this."

"Sigurado ka ba dyan? Alam mo kung 'di ka makikipag-cooperate sa ginagawa ko mas mabuti pang simulan na natin ang paglakad sa divorce. I mean what's the point of this kung ako lang naman ang may gustong maging mabuti ang marriage na 'to kahit hindi totoo?" Kenzi

"Marunong ka naman mag salita ng tagalog pero bakit panay ang english mo dyan? Bida-bida ka?" pag-iiba ko ng topic.

"Pakialam mo?" Kenzi

Pakiramdam ko naiinis na sya.

"Ako 'tong lumaki sa America at halos exposed sa language na english pero nagtatagalog simula nong bumalik ng Pilipinas tapos ikaw na lumaki at pinanganak dito, english magsalita? Sosyal mo naman kung ganon."

Sana umabot hindi nya na banggitin ulit yung tungkol sa divorce, ayaw kong pag-usapan sa ngayon lalo na't nahihimasmasan na ang inis ko sa kanya.

"Natural lang naman sa'kin mag salita ng english dahil professor ako at ang tinuturo kong subject ay kailangan gamitan ng english language, what's so wrong about that? Bobo ka ba?"

HAAAAAAAAAAAAAA?!!!!!!!!!!!!!!!!

"Anong klase kang professor? Tinatawag na bobo ang estudyante."

"Hindi kita tinawag na bobo, tinatanong lang kita at oo, estudyante ka pero hindi kita estudyante, asawa kita." Kenzi

Hindi ako nakaimik, di ko alam ang ibabato sa kanya kasi naglo-loading pa ako.

Kelan pa naging maganda sa pandinig ko ang salitang asawa?

"HAHAHA~ wala ka pala eh, sa susunod kapag mang-aasar ka siguraduhin mong may binatbat ka sa'kin ha?" Sabi ni Kenzi habang tinatawanan ako.

"Akala mo natutuwa ako sayo?"

"Alam kong hindi, halata naman sa itsura mo. Ang cute mo lang kasing asarin lalo na't mabilis kang mapikon HAHAHA~" Kenzi

"Stop it!!" Inis kong sabi.

Bukod sa boses ni Kenzi maganda rin ang kanyang pagtawa.

"Okay, okay fine. Di ka na mabiro dyan. Ano ba gusto mong kainin? Ipagluluto kita." Kenzi

"Gusto ko ng sabaw, yung kagaya sa mang ynasal..."

Tinamaan ata ako ng lamig, medyo masama ang pakiramdam ko ngayon.

"Sabaw lang? What about solid food? Kanin? Like that?" Kenzi

"Or kahit lugaw na lang, lagyan mo ng maraming kalamansi." malumanay na sabi ko.

Biglang nagbago ang mood ko nang maramdaman ang sakit ng ulo.

"By the way, anong oras ka dumating kagabi? Bakit wala kang sinabi sa'kin kahapon nong tumawag ako na uuwi ka na? Edi sana nasundo kita sa airport." Kenzi

"Alas dos ng madaling araw ako dumating. Nakalimutan kong sabihin sayo kasi biglaan din eh." Joke, ayaw ko lang talagang sabihin sayo, duh? Who you?

"Nakalimutan, gasgas na yan. Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang ipaalam sa'kin." Kenzi

Tampo yarn?

"Ayaw o gusto, nasa sa akin na 'yon kung gusto kong sabihin o hindi."

"Paano mo 'to nagagawa sa asawa mo? Do you even have a conscience? Hindi ba ako mapagkakatiwalaan?" Kenzi

"Shut up, mag focus ka na lang dyan sa niluluto mo. Dami mo pang sinasabi eh."

"Tsk, you're so cruel." Kenzi

Feeling ko magkakasakit ako hindi dahil naulanan ako kundi dahil kay Kenzi.

Pero to be honest, parang sa lahat ng naging conversation namin ito lang ang medyo matino.

Pareho kaming nasa tamang pag-iisip mag-usap.

"Iidlip lang muna ako sa sala, tawagin mo na lang ako kung kakain na.." sabi ko habang hawak ang sentido.

"Ayos ka lang?" Kenzi

"Oo, wag ka nang magtanong, iniinis mo lang ako." 

"Ito naman, concern lang eh. Sige na, magpahinga ka muna, tatawagin na lang kita kapag ready na ang pagkain." Kenzi

"Thanks.."

I feel dizzy.

............

The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now