Chapter 39

450 24 7
                                    

Jaxon's

"Oh, napatawag ka?" Tanong ko kay Jackie.

"Kumusta ang beshy ko na yan? Masaya ba ang pasko mo?" Jackie

"Hindi.." Mabilis kong sagot.

"Obviously HAHAHA.." Jackie

"Kumusta bakasyon mo?" Tanong ko.

"Okay lang, medyo boring kasi wala ka.." Jackie

"Hindi kita type, Jackie. I just wanna remind you again, baka nakakalimutan mo."

"Don't worry, hindi rin kita type kaya wag kang ma-pressure, ako lang 'to." Jackie

"Sira ulo.." tanging nasabi ko.

Nakakailang hikab na ako pero ko pinaparinig kay Jackie dahil baka ma-offend, baka sabihin ayaw ko syang kausap kahit totoo naman HAHAHA...

"Sige, tawagan na lang kita ulit sa noche buena para naman hindi mo maramdaman na nag iisa ka sa buhay HAHAHAHA..." Jackie

"Gago....inak----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatay nya agad ang tawag.

Kung nandito lang si Kenzi edi sana may kasama ako ngayon mag noche buena kaso wala eh, hays.

[Phone Rings...]

"Hello?" Tanong ko.

"Good evening, Mr. Jaxon. We would want to inform you that the West Dormitory will be closed from December 24, 6 p.m., till January 8, 2024. We appreciate your understanding and let you have till December 23 to pick up your belongings, Thank you and Happy Holidays.."

"Huh? Oh..okay, okay, I understand. Thank you."

[Call ends]

Napabuntong hininga na lang ako.

Damn, what now?

Where should I go?


[Fast forward to December 23]

"Thank you ate, Merry Christmas." Sabi ko kay Ate matapos ibigay ang susi ng dorm ko.

"Sige, see you next year na lang.." Ate...

Ito yung ayaw na ayaw ko sa christmas season eh, maputik ang kalsada dahil umuulan. Nakakainis.

Nakahanap na ako ng tutuluyan which is S hotel, may student discount and holiday discount hahaha, yun nga lang hanggang december 25 lang ako don dahil hindi na kaya ng budget ko huhuhu wala bang aampon sa'kin dyan? Sure na? Final na?

Nailipat ko na yung mga gamit ko kaninang umaga sa hotel. Nahiya pa akong pumasok dahil pinagtitinginan ako ng mga nag check in kanina.

Kala mo talaga totoong jowa ang mga kasama eh. Mga judgemental piece of shit.

Nasa waiting shed ako naghihintay ng jeep, jeep muna tayo ngayon dahil walang datung ang gastador na kagaya ko.

Lumalakas na ang ulan. Ganito ba talaga kapag christmas season? Umuulan? Seryoso ka ba Lord? Ayaw mo bang i-celebrate ng payapa ang birthday mo? Joke lang po.

Napakalamig, ang swerte na naman ng may mga karelasyon ngayon. Tamang cuddle-cuddle lang, kiss-kiss, and um-um. Pano naman yung mga single na kagaya ko? I mean not literally single kasi kasal ako pero wala yung partner ko. Sino yayakapin ko dito? Syempre sarili ko. Alangan naman mangyakap ako ng kahit na sino dahil lang sa malumbay ang buhay at pasko ko.

Ahhhhhhhh! Nakakainis na!!!!!

Bakit ngayon pa umulan?!! Kung kelan wala akong dalang payong!!!!!








The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now