Chapter 27

372 17 0
                                    

Kento's

Bumalik na sa normal ang lahat, as in normal. Sa sobrang normal hindi na naman ako pinapansin ni Jaxon.

Nakalipas na ang bagyo pero mukhang naiwan kay Jaxon ang lamig nito.

"Tanghaling tapat nakakunot yang noo mo. Tara na, gutom na ako." Pablo

"Ano kakainin natin?"

Parang gusto ko ng sinigang na baboy, tas may patis, calamansi at siling labuyo.

Iniisip ko pa lang naglalaway na ako.

"Kahit ano, sa canteen ba tayo o sa karinderya sa may labasan?" Pablo

"Karinderya na lang, gusto ko kumain ng sinigang."

Nag try akong magluto ng sinigang sa gabi isang beses pero parang naging sopas haha.

"Asawa mo yun di ba?" Napalingon agad ako sa tinuro ni Pablo.

Nakita ko si Jaxon may kasamang lalaki. Nang akma ko na itong lalapitan pinigilan ako ni Pablo.

"Nasa university tayo. Ayaw mo naman sigurong mabuko na may asawa kang estudyante di ba? Saka baka kaklase nya lang yon." Pablo

Is this what they called jealousy? But why? And how?

May gusto na ba ako kay Jaxon?

No, this isn't right. I have to stop this or else I'll get hurt at the end.

Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkabigla.

"Pull yourself together Kenzi, this is not the right time to be jealous. Bwesit, tara na kasi gutom na ako baka ikaw makain ko dyan." Inis na sabi ni Pablo.

"Hindi ako nag se-selos." Pagtanggi ko.

"Hindi pero bakit nakakuyom yang mga kamao mo?" Pablo

Ngayon ko lang napansin ang mga kamay ko.

Is this really jealousy?

"Naiinis lang ako dahil hindi nya ako pinapansin ng ilang araw tapos makikita ko lang sya na nakikipagtawanan sa iba. Ni hindi nya nga magawang tumawa sa'kin ng ganon eh. As if may ginawa akong kasalanan sa kanya. Kung galit sya sabihin nya, hindi yung idadaan nya ako sa pag-iwas. Nakakainis, di ba?"

Mas lalo tuloy akong nabwesit.

"Geez, hindi ko aakalain na mag ra-rant ka about sa lovelife mo. Yan ba ang hindi nag se-selos? Sa boses mo pa lang halatang-halata ka na eh. Saka kung gusto mo talagang mag-usap kayo gumawa ka ng paraan, hinahayaan mo lang din kasi na hindi ka pansinin. Kung ako yan ico-corner ko sya gamit ang mga braso ko nang wala syang kawala. Ganon gawin mo hindi yung naghihintay ka na lang, walang mangyayari kung hindi ka kikilos." Pablo

I'm scared to make a move, he might think i'm over crossing the line between us. Saka ako na mismo ang nag sabi sa kanya na wala akong pakialam kung sino ang i-date nya pero bakit ako ang nahihirapan ngayon?

"Pablo, may rights ba akong magselos? I mean, kasal lang naman kami sa papel at, as I told you before, no feelings were involved. Sa tingin mo ba hindi ko naisip yang mga sinabi mo? I really want to corner him and ask him what's wrong, but I just couldn't because he might think I'm overstepping my boundaries." 

"Dude, what the heck? Ngayon ka pa nag tanong kung may rights ka? Legally meron, emotional meron din. That's what I thought tho. At anong no feelings were involved? There have already been and you can't escape that. The only thing you have to do is face it and decide whether you continue or put an end to it." Pablo

"Magandang tanghali professors.." Aling Bebang

Nandito na pala kami sa karinderya, di ko man lang napansin sa lalim ng usapan namin ni Pablo.

"May sinigang po kayo?" Pablo

"Ay meron po! Ilang order gusto nyo sir?" Aling bebang

"Dalawa po, pahingi rin po ng sawsawan nyo." Pablo

"Sige, hintayin nyo na lang." Aling Bebang.

"Salamat po." Pablo

Sinikmuraan ako ni Pablo para makabalik sa katinuan ko. In fairness, effective sya.

"Tanginamo, ang sakit." Reklamo ko.

"Kakain ka ba o bubugbugin kita? Umayos ka nga. Wag mo akong bina-badtrip ngayon lalo na't gutom ako. Mag-order ka na kung may iba ka pang kakainin hindi yung palipad-lipad pa ang isip mo dyan." Pablo

"Yes boss, sorry."

Haha, pasalamat pa rin ako kay Pablo dahil sa pasensyang meron sya para sa'kin.

Ano kaya magandang combination ng sinigang? Prito hehe

Bumalik na ako sa pwesto namin matapos kong um-order.

"Ko-komprontahin mo ba si Jaxon mamaya?" Pablo

"For what?"

"Yung kanina na pinagselosan mo." Pablo

Imbes na lumipas na ang inis ko bumalik na naman.

"Hindi nga ako nagse-selos."

"Okay, sabi mo eh. Nakakawala ba ng angas kapag inamin mong nagseselos ka?" Pablo

Bwesit na 'to.

"Hindi."

"So, ano nga?" Pablo

"Wala akong pakialam kung sino kitain nya, okay na?"

"Hmm..walang pakialam pero ang lakas mag selos. I see.." Pablo

Nang-aasar ba 'to?

"Tumigil ka na nga kakatanong, kumain ka na lang.." pag-iwas ko sa usapan.

Mapipikon lang ako kapag pinagusapan pa namin ang tungkol kanina.

"Salamat aling bebang, the best ka talaga!"Pablo

"Thank you po.." sabi ko.

"Walang ano man, enjoy your foods." Aling bebang.

Susubo na ako nang biglang nag- ring ang cellphone ko.

Leche...

"Hello?!" pagalit kong sagot.

"Kenzi, can you give me a hand?"

This bastard.

Sa dami ng pwedeng tawagan ako pa ang nakita nya?!

"No, I'm busy.." inis kong tugon

"I'm actually in the hospital.."

"What?! What happened?!" Gulat kong tanong.

"Sino yan?" Pablo

"Si Josh.." sagot ko

Napahinto sya sa pagkain at inagaw ang cellphone ko.

"Bastard, how dare you call him?! Aren't you ashamed of what you did?!" Galit na sabi ni Pablo kay Josh sa kabilang linya.

"Calm down, nasa public place tayo. Keep your temper, I'll deal with this you can go finish your lunch.." sabi ko.

"Pupuntahan mo sya? Kenzi naman, akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Pablo

"Kenzi, please?" Josh

"Fine, anong hospital yan?"

Binigyan ako ng dismayadong mukha ni Pablo.

"Sa West Medical Hospital." Josh

"I'll be there in 20 minutes."

***Tooot

"Don't worry, i'll take care of it." Pagbibigay ko ng assurance kay Pablo.

"Don't do anything stupid again, Kenzi. Remember, you are married." Pablo

Wala namang mali kung makipagkita ako kay Josh kasi yung kasal namin ni Jaxon ay hindi naman seryoso. May mga personal kaming problema na hindi na pwedeng ibahagi sa isa't-isa.

"Yeah, yeah, i know." Sabi ko.

"Aalis ka nang hindi kumakain?" Pablo

"Nawalan ako ng gana kumain..sige na, aalis na ako."

That bastard is really getting into my nerves.

The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now