Chapter 32

589 25 6
                                    

Jaxon's

Grabeng kaba ko kanina, akala ko sasagutin ni Kenzi yung tawag ni Cullen. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

Wala naman akong ginagawang masama. I mean, aware naman si Kenzi na may gusto ako sa iba pero bakit parang pakiramdam ko niloloko ko sya?

Halata kay Kenzi kanina na gusto nyang mag tanong tungkol sa tumawag pero hindi nya ginawa kasi nirerespeto nya ang personal space at life ko. Which is okay naman pero naba-bother ako dahil feeling ko wala syang pakialam sa'kin. Although sinabi nya nong una na hindi nya ako papakialaman pero may parte sa'kin na ninanais na sana nag tanong sya.

Hays, bahala na kung saan ako dalhin ng nararamdaman kong 'to.

Napag-usapan namin ni Cullen magkita mamaya after ng klase ko may pupuntahan daw muna syang kaibigan nya.

Punta na kaya ako ng university tapos tambay muna ako sa faculty ni Kenzi? Hehe, wala naman sigurong malisya noh? Basta wag lang akong magpakita sa tao.

Tumunog ang doorbell kaya agad akong nagtungo sa gate.

May naiwan ba si Kenzi?

Pagbukas ko halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang makita si Cullen sa harap ko.

Bakit alam nya na nandito ako?

Lumingon-lingon muna ako sa paligid upang siguraduhin na wala si Kenzi saka ko hinila papasok si Cullen.

Oh my God.

What the....

"Jaxon?" Pati si Cullen hindi makapaniwala sa nakita nya.

"Cullen? What are you doing here?" Kinakabahan kong tanong.

Niyakap nya ako bago sya nag salita.

"Ako dapat ang magtatanong sayo nyan, anong ginagawa mo dito?" Cullen

"Akala ko ba pupunta ka sa kaibigan mo?"

Don't tell me na ang tinutukoy nyang kaibigan ay si Kenzi!!!

"Yep. Nandito ba si Kenzi?" Cullen

Fvxk.

Paano nangyari 'to?

Sa dami ng tao na pwede mong maging kaibigan bakit si Kenzi pa?

"Umalis na sya, kanina pa."

Paano kapag tinanong nya ako kung ano ang ginagawa ko dito at kung ano ang relasyon ko kay Kenzi? Anong gagawin ko?

"Can we talk inside?" Cullen

"Ah, yes.."

Should I call Kenzi?

No, hindi magandang tingnan.

Okay lang ba na papasukin dito si Cullen? Hindi ko 'to bahay , paano kung biglang dumating si Kenzi?

"What drinks do you want?" Tanong ko.

Naglalakbay ang mga tingin ni Cullen sa kabuoan ng bahay.

Umupo sya sa single sofa saka nagsalita.

"Walang pinagbago, kagaya pa rin ng dati." Sabi nya sabay ngiti.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Ah, nothing. Don't bother yourself, I just had breakfast before coming here." Cullen

Umupo ako sa mahabang sofa, ramdam na ramdam ko ang pagiging kabado ko.

"Nabalitaan kong kinasal na pala si Kenzi, nandito ako para i-congratulate sya. Ikaw Jaxon? Anong ginagawa mo dito?" Cullen

The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now