Chapter 38

574 26 5
                                    

Jaxon's

Isang linggo na lang bago mag pasko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Kenzi. Almost one month na syang naka leave sa trabaho at wala akong ideya kung kelan sya babalik at kung ano ang ginagawa nya sa Cali.

Nakalipat na rin ako sa dorm, nag paalam na ako kay Cullen at clinear ko na sa kanya kung ano ang relationship na meron kami which is friends na lang.

Pabalik-balik na rin ako sa bahay ni Kenzi hoping na makita sya pero wala talaga. Si Professor Pablo naman nong pinuntahan ko sa faculty ang sabi nya lang sa'kin ay hintayin na lang si Kenzi dahil may importanteng ginagawa sa Cali, tinanong ko kung ano malalaman ko daw kapag tinanong ko si Kenzi.

Sinubukan kong kontakin si Kenzi sa lahat ng social media na gamit nya pero unable to connect kapag tinatawagan ko.

Ako na lang ata ang natitirang tao dito sa dorm dahil yung iba ay nakauwi na sa kani-kanilang mga pamilya para mag bakasyon.

Si Jacky nasa Bali, Si Ysmael naman ay nasa San Francisco. Sa loob ng isang buwan ay naging magkaibigan na rin kami ni Ysmael dahil halos araw-araw nyang ginugulo ang buhay ko para makipagkaibigan.

I miss Kenzi.

Hanggang kelan ako maghihintay? Okay lang sana kung may binigay syang assurance na babalikan nya pa ako pero wala eh. Ayokong mag overthink pero hindi ko rin maiwasan lalo na't yung huling kita namin ay na-mention nya yung divorce.

[Phone rings]

Si Stell.

"Hello?" sagot ko.

"Jax What the fuck?! Kailangan bang ako ang unang tumawag sayo?! Ganon ba kalaki ang kasalanan ko sayo ha?!" Stell

"Haha, sorry. Busy lang talaga ako at nakakalimutan ko ring tawagan ka."

"Hindi uubra sa'kin ang mga palusot mong 'yan! Kumusta ka na? Buhay ka pa ba? Wala namang umaaway sayo dyan 'di ba?" Stell

"Makakausap mo ba ako kung patay na ako? Saka don't worry, I'm totally fine at walang umaaway sa'kin."

"Kumusta kayo ng kinikwento mo sa'kin? May improvement na ba ang relationship nyo?" Stell.

"Magkaibigan na lang kami haha.."

"Huh?! Bakit? Anong nangyari?" Stell

"Wala naman, it's just you know? Hindi nag work out and i realized, my heart belongs to someone and it's not him."

"Wala na akong update sa lovelife mo ah. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Kamusta naman kayo ni Kenzi?" Stell

"Okay lang? I'm not sure. Ang alam ko inaasikaso nya ang divorce namin kaya sya nasa California ngayon."

"Huh? But he sai----anyway hindi ko alam na nandito sya. Kelan pa?" Stell

"Almost one month na rin ata."

"I see, i'll contact you if pumunta sya sa'kin." Stell

"What for?"

"Para naman hindi ka mag alala hahaha...by the way yung someone ba na tinutukoy mo ay yung asawa mo?" Stell

The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now