Chapter 37

434 20 1
                                    

Jaxon's

"Let's go.." Jackie

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Kahit saan mo gusto, mukhang kailangan mo ng gala eh.." sabi nya at inakbayan ako.

"I'm okay, stress lang talaga sa school works."

It has been a week since the last time i saw Kenzi.

"Mukha nga, tingnan mo yang eyebags mo oh nangingitim na. Nakipag-break ka ba sa jowa mo o ano?" Jackie

"Sana nga may jowa.." walang gana kong sagot.

Asawa meron, pero medyo tagilid pa.

"Bakit di ka maghanap? Gusto mo tulungan kita? Marami akong time ngayon kasi wala si Professor Kenzi HAHAHA..." sabi ni Jackie.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya.

Wala sya?

"Bakit? Saan nagpunta?" kinakabahan kong tanong pero hindi ko ito ipinahalata.

"Ewan, basta sabi ng substitute professor nasa california daw si Prof. Kenzi for important matters. Yun lang ang sinabi and the rest hindi ko na alam." Jackie.

Could it be that he's already filing a divorce?

I have to stop him.

"Jaxon, are you okay?" Jackie

"I'm good, medyo nahilo lang ako."

"Tara muna sa bench, jusko anong nangyari sayo?!" Pag-aalalang tanong ni Jackie

"Jackie, I can't breath.."

"What?! Do you want to go to the hospital?!" Jackie.

"No, it's fine..." sagot ko.

As if may magagawa ang hospital sa pagiging broken hearted ko.

"Anong fine?! Tingnan mo itsura mo sa salamin! Namumutla ka!" Jackie

"Okay lang ako, gutom lang siguro kaya ganon. Wala pa kasi akong maayos na kain haha.."

Halos isang linggo na akong walang maayos na kain. Simula nong sinabi ni Kenzi na gusto nyang makipag-divorce nawalan na ako ng gana sa lahat.

"Wow ha?! May ida-diet ka pa sa lagay na yan? Tingnan mo nga katawan mo! Para ka nang walis tingting!" Jackie.

"Napaka pasmado talaga ng bibig mo. Bakit mo ako ikukumpara sa tingting eh obvious naman na hindi ako ganon kapayat. Over acting ka na naman, pag may nakarinig sayo nyan baka sabihin bina-body shame mo ako." Inis kong tugon sa kanya.

"Fine, I'm sorry. Nag-aalala lang ako. I mean, kung may problema ka mag kwento ka sa'kin. Para saan pa 'tong pagkakaibigan natin kung hindi ako nakakatulong sayo?" Jackie.

"Jackie, I have a friend. Yung asawa nya gusto nang makipag-divorce sa kanya pero yung kaibigan ko ayaw nya. Any advice para sa kaibigan ko?"

Kapag sinabi ko sa kanya na sarili ko ang tinutukoy ko baka mahimatay sya sa gulat.

"Hmmm...depende siguro sa sitwasyon. Ano daw ba rason ng divorce? May involve bang bata?" Jackie

"Wala daw na idea yung kaibigan ko. Wala namang involve na bata. Yung marriage kasi nila hindi nila ginusto pareho, like that. Yung kaibigan ko may gustong iba at yung husband nya ay galing lang din sa break up. Nag sama sila sa isang bubong then after that yung kaibigan ko lumipat sa bahay ng taong gusto nya. Iniwan nya yung husband nya dahil may gusto lang itong kumpirmahin at nang makumpirma nya nga na mahal nya talaga yung husband nya saka naman nag sabi yung husband nya na makikipag-divorce na ito sa kanya."

"Wow, that's a 10/10 story. Sa nakikita ko, don't get me wrong ha? May pagka-bobo yung kaibigan mo." Jackie

Aray, hindi ko yan itatanggi.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi marami way para makumpirma ang feelings ng isang tao tapos ang napili nyang paraan ay yung pinaka-bobo sa lahat. Ganon ba sya ka- insensetive? Hindi nya ba naisip yung mararamdaman ng husband nya? What if yung husband nya na-fall na pala sa kaibigan mo? Malamang sa malamang masasaktan 'yon sa ginawa nya." Jackie.

Ramdam ko ang gigil ni Jackie.

"Pero yung husband nya mismo nagsabi na wala syang pakialam kung makipag-date yung kaibigan ko sa iba. At aware yung husband nya from the very beginning na may gusto syang iba."

"Beh, hindi mo masasabi kung kelan ka iibig. Siguro that time wala pang feelings yung husband nya sakanya kaya nya nasabi 'yon. Siguro as the time goes by, pinagsisihan nyang sinabi nya 'yon at malay mo, unti-unti nyang pinu-pursue yung kaibigan mo pero hindi sya aware dito or kung aware man baka ayaw nya lang umamin sa kaibigan mo kasi nga alam nyang may iba itong gusto at hindi sya." Jackie.

May point si Jackie, kaya siguro gustong makipag-divorce ni Kenzi sa'kin dahil ang alam nya ay gusto ko pa si Cullen hanggang ngayon. At para hindi masira ang relationship namin ni Cullen, ni-let go nya ako.

I can see Kenzi's point of view. Baka ini-isip ni Kenzi na makakasira sya ng relasyon kapag hindi pa kami nag di-divorce.

"You have a point.." sabi ko.

"Mabuti ba yung husband ng kaibigan mo?" Jackie.

Kung sa mabuti wala akong masasabi tungkol kay Kenzi kasi napakabuti nya kahit minsan gusto ko syang ibalibag.

"He's a perfect husband.." sabi ko at napangiti ako.

"Hindi divorce kailangan nila, kundi confession. Kumbinsihin mo yung husband ng kaibigan mo. Kamo mag-usap muna sila bago mag decide sa divorce, may feelings naman ata sila sa isa't-isa eh." Jackie.

Paano? Nasa California si Kenzi.

:((((((((

"Salamat Jackie, sasabihin ko yang advice mo sa kaibigan ko."

"Ikaw Jaxon ha, umamin ka nga sa'kin." Jackie

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at biglang nanlamig ang mga palad ko.

Nabuking nya ba ako?

"A...ano naman, aaminin ko?" Kinakabahan kong tanong.

"Ikaw ba ay may ginagawang story sa wattpad? Kasi yung tinatanong mo sa'kin ay napaka out of this world eh. Aspiring author ka ba? Send mo sa'kin link ng story mo ha? Bibigyan kita ng maraming coins." Jackie

This idiot.

"Whatever.." tangi kong nasabi.

"Kumalma ka na ba? Hindi na tayo pupunta ng hospital?" Jackie.

"Okay na ako, salamat sayo."

"Dahil okay ka na, sumama ka sa'kin at may pupuntahan tayo." Jackie

"Saan na naman?"

"Secret hahahaha..." Jackie

"Wag sa bar ha.."

"Of course!" Jackie

"Teka, kakain muna ako."

"Saka ka na kumain..." Jackie

"Kelan ang saka na yan?"

"Basta.." Jackie

"Pagputi ng uwak?"

"May puting uwak, Jaxon. Don't worry." Jackie

Nararamdaman ko na ang gutom. Yung tuhod ko nanginginig na at any time babagsak ako kapag hindi nakakain agad.

Kailangan kong tawagan si Kenzi bago pa man mahuli ang lahat.

Hindi ako papayag na mag-divorce kami. Kapag inabot nya ang divorce papers hindi ko ito pipirmahan, tataguan ko sya, bahala sya sa bubay nya. Pakialam ko kung hindi sya makasal sa iba dahil sa'kin, mabuti nga 'yon para akin lang sya.

At kung sino man yung ex na tinutukoy ni Stell na hanggang ngayon ay hindi makalimutan ni Kenzi, humanda sya sa'kin ngayon. I mean, si Kenzi ang humanda dahil ipaparamdam ko kung gaano kaganda ang langit hanggang makalimutan nya ang ex nya.


 

The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now