Chapter 34

406 18 4
                                    

Ken's

Late na akong nakauwi dahil nag-aya ng dinner ang department head namin. Tatanggihan ko sana kaso nakakahiya naman, malaki rin ang tinulong sa'kin ng Prof. na 'yon especially nong instructor pa lang ako.

What a tiring day.

Nagtaka ako nang pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakapatay ang lahat ng ilaw.

Hindi pa ba umuuwi si Jaxon? Ah, baka natutulog na.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina dahil uminom ako ng tubig pagkatapos ay nag tungo ako sa sala saka sumalampak sa sofa.

Nakakapagod...

Bukas ko na lang kakausapin si Jaxon tungkol sa nangyari kanina. Sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Josh at kung bakit ganon ang inasta ni Pablo. I'm sure na misunderstand 'yon ni Jaxon.

Gustong-gusto ko na matulog, ramdam ko na ang puyat pero may bumabagabag sa kalooban ko kaya kahit anong gawin kong pagpikit ng mata, gising pa rin ang diwa ko.

"Should I talk to him?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Kapag pinagpabukas ko pa 'to baka mas lumala lang." Sabi ko habang nakatitig sa pader.

Bumangon ako at napagdesisyonan na kausapin si Jaxon. Ang tulog nababawi pero ang sama ng loob hindi.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Jaxon?" Pagtawag ko sa kanya.

Huh? Pati dito nakapatay ang ilaw? Usually bukas 'to lalo na kapag hinihintay nya akong dumating.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at in-on ang ilaw para makita ko sya.

"Jaxon?" pagtawag ko sa kanya.

Malinis ang kama, hindi gusot ang pansapin at kung ano ang itsura noong iniwan ko kanina ganon pa rin ang itsura ngayon.

Sinilip ko ang veranda sa pag-aakalang nandoon si Jaxon pero hindi ko sya nakita.

Tiningnan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit nya pero wala na itong laman, wala na rin ang gamit nya sa banyo, pati na rin ang mga librong binabasa nya bago matulog. Hinalughog ko na ang buong bahay pero wala akong nakitang bakas ni Jaxon na para bang hindi sya tumira dito.

Where did he go?

Agad kong tinawagan ang number nya at sinagot nya naman agad ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon imbes na boses ni Jaxon ang marinig ko, boses ni Josh ang sumalubong sa'kin.

"Where's Justin?! What did you do to him?!" Galit kong tanong sa kanya.

"Hold on, wait. He's showering." Josh

Kung pwede lang mag teleport ang kamay ko kung nasaan si Josh baka nabugbog ko na sya ngayon.

"Where are you?!" Pasigaw kong tanong.

"At my condo, why?" Josh

Narinig ko pa ang pagtawa nya.

"I'm going there." Sabi ko.

"Are you stupid? What are you going to do here? Didn't you know that Jaxon went back in the Philippines just to be with me? We have a healthy relationship but you ruined it." Josh

I know Jaxon likes someone but i never expect it to be Josh.

Hindi ako makapagsalita dahil totoo ang sinabi ni Josh. I ruined their relationship, I know Jaxon is in love with someone else but I was too greedy to mind it.

Now I fucked up.

"Is that so? Then why did you come to me and beg to get me back?" Tanong ko.

"I was just testing you and messed your mind a little like you did to my relationship with Jaxon." Josh

The Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now