Chapter 1Everyone has good and bad sides. It's just that you will have to choose either of the ones you will choose.
I looked at my wrist watch. Ang tagal matapos ng klase, naiinip na ako. Inaantok pa ako. Our teacher is discussing something that I don't really understand. Whenever she's the teacher, my hearing becomes selective. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko tipo ang paraan ng pagtuturo niya o hindi lang talaga maganda ang hangin na dala niya. I have no grudge against her pero meron lang talaga ako maling nararamdaman kapag siya, I don't do judgments—well, except for her.
"Alright, let's wrap up. Number one..."
We all groaned. Wrap up na may quiz.
Pagkatapos rin naman no'n ay oras na para sa lunch. Lumabas na kami ni Rense ng classroom at habang naglalakad, hindi talaga maiiwasan na hindi siya humarot. Wave dito, wave doon, hindi matigil ang pagpapakilig niya sa mga babae na batchmates namin.
"Yscha," tawag ko sa kaibigan ko na nag-hihintay malapit sa may hagdanan. She smiled at us at the same time, Rense stopped waving at others and smiled sweetly at Yscha. I shook my head.
"Wag ang kaibigan ko, Rense." Ani ko, binigyan siya ng matalim na titig. She laughed and smirked while Yscha shook her head and cling onto me.
"Kaibigan ko rin kaya siya," depensa ni Rense.
"Tumigil ka na, Rense. I'm not into girls." ani Yscha.
Rense acted like she was hurt. Hinawakan niya ang puso niya at parang sinakluban ng langit at lupa ang mukha niya habang naglalakad kami. Tinawanan ko naman siya at inasar, kakatuwa na sa lakas ng dating niyang 'yan, walang epekto kay Yscha.
"Wala ba akong epekto sa 'yo?" Tanong ni Rense.
Yscha shook her head repeatedly.
"Wala. I'm straight."
Mas lalo akong tumawa ng makita na wala talagang pag-asa ang isang 'to. Rense is a good catch. She has wolf cut short black hair, a perfect shape of face and of course, a good face that could magnet everyone's attention. Her fair skin fits her and of course, outfit and hygiene. Kahit naman ako nung una, iisipin na may crush sa 'kanya dahil sa lakas ng dating niya.
Even though she's like that, she's heartbroken. Niloko siya ng last girlfriend niya kaya ayan, naglalaro na lang muna ngayon. Love is so stupid, right? Sa sakit na ginawa sa 'kanya, mas gugustuhin niya na lang ang i-share ang sakit kaya binatukan ko siya noon.
"May bago daw. Titignan ko mamaya." Nakangising ani Rense.
Bago?
"Bakit?" Tanong ko, hindi sa nagtatanong ako kung bakit may nag transfer, of course meron dahil school 'to. Pero ang puntahan niya para lang landiin, ang harot talaga ng isang ito!
"Titingnan ko lang, Cianne. Pag nagustuhan, edi..."
"Hay naku, Rense! Siguraduhin mo lang na sa 'yo ang sakit, hindi tama na ibabaling mo sa 'kanila ang sakit na nararamdaman mo up until now," ani Yscha sa gilid.
"Ano ba kayo, titignan ko nga lang! Promise, I will not do something!" Aniya.
Yscha and I shook our heads. Um-order na kami at nakaupo na. Hindi pa kami nagtatagal ay nakita ko na si Beck na papalapit. He's all smiles when he neared and sat beside me. Si Yscha at Rense ang nakaupo sa harapan namin.
"San ka na naman galing?" Tanong ni Rense, nanliliit ang mga mata.
Beck smirked and rested his arms at my back.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...