Rhymes of Promises: 14

0 0 0
                                    


Chapter 14

"Sporty, dancer, minsan singer, maganda, sexy at higit sa lahat, magaling academically. Saan ka pa? You're the standard, Cianne!"

I rolled my eyes. Pabalik balik ng lakad si Rense sa harapan ko, paulit-ulit din ang mga sinasabi niya, si Ysa ay nakahiga sa tabi ko, nag ce-cellphone. Si Lizzy ay kasama ang kuya niya at hindi ko alam kung saan, kung saan kasi si Kenny ay nando'n din si Lizzy, hindi na mapag hiwalay ang dalawang 'yon, lalo na ngayon. Si Beck, nasa try-out. Ngayon siya nag try-out, kung kailan last day na. Kahit naman bukas siya mag try-out, tatanggapin parin siya. He isn't Beck for nothing.

"Tigilan mo ako, Rense! Problemahin mo ayang-"

"Aba aba! Akala mo hindi ko nabalitaan? Magkasama daw kayo nung Ryu na 'yon sa gilid ng studio niyo at nagtatawanan! Ikaw, humaharot ka nang walang sinasabi sa amin a!"

Ysa chuckled. Wala naman siyang pake do'n pero hindi ko alam kung bakit si Rense ay bini big deal 'yon. It's nothing but a friendship. Halata naman na walang gusto sa akin si Ryu at ma issue lang talaga sila.

"Rense naman, magkasama lang, humaharot na? Kayo nga ni Janeza laging mag kasama, sinabi ko bang humaharot ka?!"

Sa reaksyon na ipinakita niya, mahihinuha ko na nag pantig ang mga tainga niya. Tumingin siya sa akin ng matalim, tinaasan ko naman siya ng kilay. Akala niya ba hindi ko din malalaman na magkasama sila? Lagi! Sumali daw ng magkakilala.

"O e bakit naman?! Future kapatid ko naman 'yon!" Aniya.

I smirked.

"Future kapatid? Baka future!" Ani Ysa, parang sinusumpa pa.

We both laughed and made a high five. Napikon si Rense at tinarayan na lang kami. Hindi natigil ang asaran namin hanggang sa kailangan na naman pumasok sa klase. Tumayo na kami ni Ysa mula sa pagkakahiga sa lounge seats.

"Ano ba 'yan! Ang dami niyo kasing alam! Ni hindi ko nga maisip na maging kaibigan 'yan si Janeza e, plastic na sa plastic pero pina plastic ko lang siya!" Aniya, patuloy na dine depensahan ang sarili.

Hinayaan namin siya i depensa ang sarili niya na para bang nasa thesis defense siya. Marami siyang sinabi and it proves a point. May attraction siya towards that Janeza girl. Janeza seem kind though, halatang pure lang ang intensyon ni 'to, unlike Rense! Mukhang may masamang pina-plano at hindi matitigil 'yon hanggat 'di pa matitigil ang pagiging in denial niya.

"Sabay tayo uwi!" Ani Beck ng maka salubong namin, papunta na kami sa room namin ni Ysa. Tumango ako dahil nagmamadali ako, ganun din naman ata siya dahil pagkatapos sabihin 'yon ay tumakbo na siya paalis. Puno ng pawis si Beck, halatang galing sa gym.

"Kumusta kayo ni Ryn? May score na ba?" Biglang tanong ni Ysa habang naglalakad kami.

"Gaga. We're just friends." Ani ko sa mababang tono dahil baka may mga makarinig pang chismoso o chismosa at kumalat agad na ni friends-zone ko si Ryn kahit na friends lang naman talaga kami!

"Sus! Tanggap pa namin ang isa pang bakla, Cianne! 'Wag kang mahiyang umamin!" Aniya, tumatawa.

"Ysa naman! Nababaliw ka lang, lika na nga!"

Bago pa kami makarating sa harap ng classroom, sa corridor ay may natagpuan na ako na nakatayo do'n. Para bang may hinihintay. Kinabahan ako lalo na at palapit kami nang palapit. Anong ginagawa niya dito? May kailangan ba siya sa akin? Pwede niya naman i-chat para hindi na siya nag aabang sa harapan ng classroom namin.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now