Rhymes of Promises: 15

0 0 0
                                    


Chapter 15

I have strong features, they said.

But I see it just light.

Naiinis ako na tumayo mula sa pagkaka upo upang lumapit sa gitna, kung nasaan ang mga ka miyembro at nag pa-practice. Tumigil sila dahil sinabi ko. Lumapit ako kay Anika at Cadence, ako na mismo ang naglagay ng kamay ni Cadence sa bewang ni Anika. May kuryente na dumaloy do'n pero hindi ko pinahalata ang reaksyon ko dahil mas mahalaga ang bagay na 'to.

"Ganyan dapat ang hawak." Mariin kong ani.

"I agree. Hindi tulad ng kanina, mas maayos ang ganyang porma. You should also stare at her, para with feelings." Nakangising ani Ryn.

I frowned secretly at what she said.

"Alright, start!" Ani ko, nawawala na talaga sa mood.

Muli ako bumalik sa pwesto, hindi na ako umupo dahil baka magkamali na naman. They started it again and damn! Hindi pa rin makuha ni Cadence ang tamang steps na gusto kong makita! Ito ang napag usapan namin kagabi ni Ryn, ang pag tambalin si Cadence at Anika because they are both good!

I licked my lips and shook my head, tumigil naman sila. Hindi lang naman silang dalawa ang sumasayaw, may sariling dance break lang talaga sila ni Anika kaya naman alam ko na naiinis na din ang iba dahil hindi mapaknit si Cadence, para bang kinakabahan siya na natatae.

"Anika is kind of getting it, ano ang nangyayari sa 'yo, Cadence?" I uttered.

Hindi siya sumagot. I rolled my eyes at muling pumunta sa gitna.

"Ganito,"

Mukhang alam naman ni Anika ang gagawin ko kaya naman sinenyasan ni Ryn ang nag ha-handle ng music. Inulit 'yon at ako na mismo ang gumawa ng gusto kong gawin ni Cadence. Pumila ang sunod sunod na miyembro pero kita pa rin ang katawan nila, hindi naman as in pila 'yon, it's a formation at kaming dalawa ni Cadence ang nasa una, sa likod niya ako dahil ganun ang pwesto niya, sa likod ni Anika na nasa pinaka una dapat.

As the music started, we did a little footsteps with basic hand steps hanggang sa naging pa wave 'yon, I tilted my head to Cadence, pinapakita na dapat ganun ang gawin niya at mukhang tuliro pa siya.

"Move, Cadence," I whispered bago kami kailangan na gawin ang isa pang formation.

I kinda snaked my hands around her waist to looked like I'm slightly lifting her para makapag palit kami ng pwesto at maging mag kalinya kami. I saw how she flinched and I heard the whistles around the studio.

Nang mag kapantay na ay sandali kaming nagkaharap at sabay na tumingin sa malaking salamin na nasa harap namin, with other members pouring their hearts out of this, me and Cadence moves along the music. Pinagmamasdan ko ang galaw niya ngayon...

Muli kaming naglapit gamit ang steps na smooth lang at una kong hinawakan ang balikat niya pababa sa kamay niya, nasa likod niya ako at nakatingin ako sa salamin habang ang ulo ay nakaharap sa banda niya.

Kailangan uli namin magpalit ng pwesto kaya naman muli kong hinawakan ang bewang niya at inikot siya, nagmumukhang nakayakap na ako sa kanya and I smirked.

"That's how you do it."

I said as I raised my hands like I'm surrending dahil nakahawak na siya ngayon sa leeg ko.

She pulled me because that was what Anika was supposed to do. Hindi naman nagkakalayo ang tangkad namin ni Cadence, may konting tangkad lang siya sa akin. After that, we did the other steps as we continued reaching for each other's bodies. Nasa likod lang namin ang iba at sinasayaw din ang steps.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now