Chapter 6They say flings are always the time when you are not so ready for a relationship. Or was it called... relationshit? Because it just made out of two people, not commiting and just shitting! Right? But maybe, we have our own perspective on this one, not all think the same. After all, we judge, we prejudiced even our own selves.
"How 'bout this one? I think he's good!" Ani Ryn sa tabi ko.
Coach Melly nodded. I looked at his profile again.
Ryu Cosain Recreo.
"Are you new here?" Tanong ni coach Melly sa 'kanya.
He's sweating. Kakatapos lang niya sa audition niya. Nasa loob lang kami ng studio, nakaupo sa may bench na na naka built in sa isang side kung saan wala ang mirror, hawak hawak ang papel at ballpen na gagamitin, ang profile nila na sunod sunod. This audition sucks! Ang dami ang nagpasa ng profile at kailangan namin i-check isa isa 'yon. Kada tao ay may 10-15 minutes para ipakita ang talento nila, we also used that time to think and see clearly.
So far, panglima na 'to at siya lang din ang umagaw sa atensyon ko. He has the charisma and the swag on his movements. Para bang he was made for this, he was ready but he just built his confidence to do so. Malambot ang katawan niya, ayos lang para sa isang lalaki. He's not fat nor skinny, he's in the middle of those. May mga muscle siya sa braso na normal na makikita sa isang lalaki but him... it's looks sexy on him na iisipin mo na may abs din ang isang 'to.
"Opo. I was transferred. I also danced in my school before, nalagay diyan na I was the best dancer in our squad and I won a lot of competitions." Aniya, nakangiti.
Hindi nagyayabang ang tono niya, kalmado 'yon at nagsasabi lang ng totoo. Our eyes met. I licked my lips and gave him a small smile, nagulat pa siya dahil ako ang mukhang strikto sa amin tatlo. Imbis na si coach 'yon, naging ako dahil hindi ako makangiti habang iniisip ang mga changes sa loob ng dalawa o tatlong buwan.
"Tatawagin namin mamaya ang mga napili, just rest for now." Ani ko sa mahinang boses, tama lang para marinig niya.
He nodded and smiled at us. I can see his eyes lingering at the studio. Lumabas na siya habang dala ang tubig. Pumasok naman ang mga susunod. Ang iba sumali daw para kay Ryn. I laughed at that emotionless. So where's the passion? Si Ryn?
"I idolized Ryn po kasi, and I think I will do better kapag kasama ko po si Ryn at ate Cianne!"
"Next!" Tawag ni coach Melly.
"T-tanggap na po ba ako?" Tanong niya.
Ni hindi nga umabot ng five minutes ang audition niya!
"We'll see later." Alanganin na sagot ni Ryn, mukhang gulat rin sa tabi ko.
Lumabas na siya at hindi namin inaasahan ang sunod na pumasok. Well, ako ba lang? O pati sila nagulat? Napa ayos ako sa pagkakaupo ng makita ang babae na puno ng insulto kung tumingin sa akin, na hindi ko naramdaman not until now! Pumasok siya na parang hindi niya ako binigyan ng nakaka insultong tingin noon! I frowned.
Kinuha ko ang paper at profile niya nga.
Clyde Beatrice Cadence.
Tumaas ang isang kilay ko at tiningnan siya na nasa gitna na. I smirked. Tingnan natin sino ang ka insu insulto ngayon. Bakit siya sumali? Marunong ba siyang sumayaw? Magaling ba siya? O baka passion niya lang din ay si Ryn. And why am I thinking about it?
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...