Rhymes of Promises: 29

1 0 0
                                    


Chapter 29

"Mga saglit na inilikha, kakaiba ang tama..."

They changed their song at lahat ng mga nasa crowd ay dalang dala ang mga kanta nila. Katatapos lang ng migraine at heto sila, muling nagpapatama sa mga may tama.

"'Di pinapansin ingay sa tabi, magulong kapaligiran, sa 'yo lang ang tingin..."

Muling nagtama ang mata namin at hindi ko alam kung ilang oras pa ba ako iiwas sa mata niyang mapanuri. Kung dati ay puno ito ng insulto, ang nakikita ko na lang ngayon ay ang maiingat na tingin na hinahatid sakin.

"Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan..."

I can't help but to smile. Lahat ng narinig ko kanina ay nawala at napalitan ng pagyakap sa puso ko. I saw her smile too as she strum and sang her heart out.

"Cianne! Tatawagin daw ang Le Quinn after pa ng big band!" Update sa akin ni Hares at tumango na lang ako dahil hindi ko kaya lumingon habang nakatitig kay Bei.

"Hulog na hulog." Beck whispered.

I chuckled at nakita ko na nag salubong sandali ang kilay ni Bei bago umiwas ng tingin sa amin. Did she saw Beck whispered? I chuckled at my thought dahil hindi naman siguro siya magseselos.

"'Di man alam ang darating..."

Naki jam na ako dahil paborito ko ang parte na 'to. I also jumped and the crowd went crazy again. Kung ang ibang banda ay hindi nadadala ang crowd kanina, ito ay talagang kakaiba! They have the charisma! They have the power!

"Sa 'yo nakatingin, sa 'yo lang ang tingin!"

I looked at Bei again as she sang that. Sa akin naka pokus muli ang paningin niya at sigurado na ako ngayon na para sa akin ang mga linyang 'yon kahit parte ng kanta 'yon. It was meant for me. Not for that Fiona.

"And for our last song—"

"Isa na lang?!" Angal ng audiences.

I smirked. Kahit anong angal ang gawin nila ay hindi na pu-pwede dahil may nakalaan lang na oras ang mga ganito, kahit gustong gusto ng audience ay hindi pwede ma perwisyo ang banda na susunod sa 'kanila.

"—For our last song! Para 'to sa mga hindi umaamin." Tumingin si Janeza ng makahulugan kay Bei.

Bei chuckled. The crowd cheered.

"But it's good, though! No forcing; what flows, flows! And just like this song, go with the flow! But if the flows won't go, then you do your own flow!"

After that, Bei started to strum and the other members started with their own instruments.

"Paikot-ikot lang, mula nung mailang..."

Napangiti ako. Kanina pa ako nakaka relate ah?

"Gago may torpe siguro sa 'kanila!" Ani Rense.

"'Di sinasadyang mahulog, mahibang," Bumalik ang atensyon ko dahil si Bei na naman ang kumakanta.

Her kind of husky voice sent chills down to my spine.
When it's time for the chorus ay nag sabay sabay ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now