Chapter 18Lumipas ang mga araw at papalapit na nang papalapit ang Senior High Week. We are all excited, nakapag distribute na ng mga gagamitin na t-shirt sa buong linggo. Iba iba ang t-shirt kada strand at may marka 'yon sa likod.
Okay na rin ang ibang booth, we used the field for it. Pu-pwede rin makihalubilo ang mga college students dahil hindi naman ganun nagkakalayo ang mga building. Na-busy ako lalo na sa pag pa-practice kaya naman sinadya ko ang mag-ambag na lang muna ng pera para sa booth na gusto nilang gawin namin. I asked them for consideration at pumayag naman sila dahil basta may ambag daw, ayos na.
I am known here and hindi naman bago sa kanila na busy ako, palagi. Napadalas din ang pag pa-practice sa mga sports kaya naman lagi akong pagod na umuuwi. Sa screening naman para sa Mr & Miss, sila Yscha na ang pinal na pinili sa strand namin. Hindi na kami nagulat dahil kakaiba ang charisma ni Yscha.
And on every practice... masasabi ko na may improvement nga. Nagkaroon kami ng interactions ni Bei at hindi ko inaasahan 'yon. Though, ako lagi ang nag i-initiate ng conversation dahil mukhang hindi siya sanay na ganun. I have patience but I don't think it will last. Buti na lang bago pa ako maubusan ng pasensya sa maiikling sagot niya ay may tumatawag na sa akin o sa kanya, laging maikli lang talaga ang interaksyon namin which is good dahil hindi ko rin naman ma-imagine ang sarili ko na nakikipag tawanan sa kanya.
"Ano, balita ko maayos na raw ang Le Quinn ah? I mean, may bongga daw kayong performance this coming week!" ani Beck.
I nodded. Nasa plaza kami dahil pagkatapos ng nakakapagod na mga practice ay gusto namin mag liwaliw. Alas otso pa lang naman ng gabi kaya heto kami at nakaupo ng kumportable sa isa sa mga upuan dito kung saan malapit sa stage. May mga kumakanta do'n habang kami nag ku-kwentuhan, balak namin ang umakyat mamaya sa stage na 'yan para manggulo.
"Syempre. Leadership!" Ani Rense sabay taas ng shot glass na hawak niya.
I chuckled. Si Ysa naman ay umiling pati si Lizzy. Kennedy smirked and also raised his own glass, ganun din si Beck. Hindi ko alam saan sila nakakuha ng shot glass at paano sila muli nakabili ng alak. They are like that, lalo na si Rense. Mukhang balak nga ni 'to na maging party girl and we all clearly see that. She's very adventurous.
"Rense, musta stepsis?" Nang aasar na tanong ni Lizzy.
Rense glared at her, kaming apat ay nakatingin sa kanya, hinihintay ang sagot niya sa mapang asar na tanong ni Lizzy. True enough, hindi namin alam ang nangyayari kay Rense these past few weeks. Ang napansin ko lang ay ang pagiging mas masigla niya kesa dati, iba ang flow ng energy niya at ng pagiging makatao niya ngayon.
"Can we please not? Galit ako do'n!" Aniya at nilagok ang nasa shot glass.
"Hay naku! Kaya kami sinasabihan na bad influence e! Tumigil ka nga kakainom!" Awat ni Kennedy sa kay Rense.
"Pinagtatanggol ko naman kayo ah? Tsaka, can't I enjoy it?!" She complained.
"Rense, we're not adult yet kaya tikim tikim lang. 'Wag mo naman mukbangin," kumento ni Beck.
Rense made a face.
Tiningnan namin siya ni Yscha at Lizzy, lumingon siya sa amin at inayos niya ang pagmumukha niya.
"Okay! Last na 'tong naubos ko." Pagsuko niya.
"Kasi naman e, ayaw na namin isipin ng Daddy mo na wala kaming ginawa kung hindi ang painumin ka." Dagdag ni Yscha.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...