Chapter 19Bei Cadence sent you a friend request.
Hindi lang isang beses ako ang refresh ng cellphone, paulit-ulit! I even logged out my socials and logged in again para lang makasiguro na tama ang nakikita ko! She sent me a friend request?!
I a-accept ko ba?
I sighed. Ang aga-aga ito agad ang problema ko. Umuwi kami kagabi after magsikain ng binili ko, ang tagal bago bumalik no'n ni Ysa kaya habang kumakain kami, hindi na namin siya napansin hanggang sa makabalik siya kung kailan tapos na kami. Siguro nag-usap sila ni Hares, my friends didn't know a thing, kami lang ni Ysa kaya naman hindi sila nagduda, hinuha nila ay may kinausap lang si Ysa dahil kalat din ang ibang ka batch namin dito sa plaza.
Pag uwi ko naman, nakatulog agad ako dahil sa pagod at ngayon nagising ako para pumasok ito ang bubungad sa akin.
Pero at least... hindi ako ang unang nag add 'di ba?
Tinikom ko muna ang bibig ko at iniwan ang cellphone sa kama. Maliligo na muna ako at mag-aayos sa pagpasok, iisipin ko 'yon habang naliligo para naman may ginagawa ang isip ko habang nagsasabon at nag sha-shampoo. Bumaba ako at habang nasa hagdan, hindi maiwasan ang hindi marinig ang boses ni Mama galing sa baba.
"Ayoko sabi! Try it and you'll see what you don't want to see." matapang ang boses niya at matalim.
May kaaway ba siya? Bakit napapa-ingles siya...
"Hindi ako naniniwala, Acadia. Tigilan ninyo ako dahil hinding hindi na ako babalik d'yan!"
After that, it went all silent.
Acadia?
Hindi ko mahinuha kung saan ko narinig 'yon pero parang pamilyar sa akin 'yon. Tumuloy ako pababa, naabutan ko si Mama na nakatayo sa harapan ng pang dalawahan na dining table at nakayuko, hindi niya ako napansin dahil tila sa pag-iisip ng malalim.
"Ma," I called.
Tumingala siya sa akin, may pagod sa mga mata niya.
"Mauuna na ako, 'nak. Nakaluto na ako, mag-ingat ka pagpasok ah." Aniya kalaunan at hinalikan ang noo ko.
I sighed. Nag-paalam na din ako kahit hindi naiintindihan ang nangyayari, sa lumilipas na araw, napapansin ko ang pagiging iba ni Mama at madalas ako nakakarinig ng mga pamilyar na pangalan at tuwing naririnig 'yon, galit siya. Ano ba ang nangyayari?
Kalaunan, nag asikaso na ako ng mabilis at hindi na muli pang inabala ang sarili sa problema ng ina. For sure, sasabihin niya rin sa akin 'yon kapag may oras na siya. Ni-lock ko ang pintuan pero nagulat ako ng habang naglalakad patungo sa sakayan ng tricycle ay may lumapit sa akin na matandang babae.
"Hi, hija... papasok ka na ba?" Tanong niya.
I frowned. Nakakatakot na ang mga tao ngayon, bigla bigla na lang mag a-approach. O baka friendly lang siya, mina-masama ko lang?
"Uh- opo." Maikli kong sagot, hindi ko gugustuhin ang magtagal.
"Tiga dito lang ako sa malapit... nais ko lang makilala ka," she said.
Tumigil ako at tumingin sa kanya. In somewhat, parang nakita ko na ang ganitong mukha. Maamo ang mukha ng matanda at matangos ang ilong, pinasadahan ko ang tingin at mukhang hindi naman siya mahirap dahil sa magandang suot at maayos na hitsura. Her hair is fixed na para bang laging alagang salon at ang kutis niya ay hindi nalalayo sa porselana kong kutis. Her brows looked exactly like mine. I frowned.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...