Chapter 23Sa opening pa lang ng booths, ang saya saya na! Hindi pa kami umalis sa may covered court dahil may program para opisyal na opening na 'yon. Ngayon din ang Mr & Miss, bago makapag-ikot ang mga estudyante sa mga booths ay gaganapin na 'yon. Naka-upo kami sa harap mag ka-kaibigan para ma-suportahan ng todo si Ysa, si Lizzy at si Nica!
Siya at si Lizzy ang kulang, nasa backstage o dressing room ata sa likod ng malaking stage. We are cheering dahil pagkatapos ng fire lightning, mag pe-perform ang banda ng Senior High! Sina Ryn! Isang kanta lang, bago tuluyan dumiretso sa Mr & Miss.
"And'yan na daw 'yung Bei! Magaling kaya 'yon?" Ani Rense.
I shrugged. Truth is, na e-excite ako!
"Bakit hindi kayo pinasayaw, Cianne?" Tanong ni Ken.
"Mahirap kasi i-squeeze ang sched namin, masyado ng hectic." I said.
Inimbitahan kami pero um-ayaw ang karamihan sa amin dahil marami nang sinalihan, ayaw na namin magpapansin sa opening. Di bale nang sa mismong day na ng cheerdance o kahit sa closing remarks.
Umingay muli ang crowd ng lumabas mula sa stage ang banda. They are all wearing a smile as they claim their own spots— instruments. My eyes darted at her... she sat in front of an electric guitar! Akala ko drums lang ang alam niyang i-play!
Janeza introduced them and since they had their own microphones beside the instruments, they said hi!
Ang magaspang niyang boses ay umabot sa mga tenga ko at hindi ko akalain na ganito ang epekto sa akin! My heart raced as I heaved a deep sigh! Lumalala na ang isang 'to sa akin! This can't...
"We love you!!!"
Isa si Rense sa nakikisigaw no'n. Inaasar tuloy siya ni Beck at Kenny kung sino sa banda ang love niya. But she ignored them, muli siyang bumalik sa pagsigaw sa pangalan ni Janeza na singer ng banda.
Ryn is in front of the drums. When our eyes met, she winked.
Wait... baka 'yung mga tao lang sa side ko! Nasa harapan kami, kitang kita! Pero baka nga 'yung mga tao 'yon sa likod ko! But suddenly... Bei blocked my vision. Tumayo siya malapit kay Janeza, nahaharangan na si Ryn ngayon. I shrugged.
Nagsimula na sila.
Janeza started with her song. Her voice is very soft and angelic! Nakakahele at talaga naman gugustuhin mo ang makinig ri 'to. As she hit the chorus, everybody sang with her! The crowd goes slightly wild as they sang with the band. Ang ibang miyembro ng banda ay kumakanta na rin.
My eyes stayed at Bei. Nakayuko siya, ang buhok niya ay nag ba-bounce sa mumunting galaw niya habang nag s-strum. She looks so mesmerizing. Inangat niya ang tingin niya, nagtama ang mga tingin namin.
"I can't look, I'm so blind..."
I stared at her eyes. Kung dati puro pang iinsulto ang nakikita ko dito... ibang iba na ngayon. Her eyes scream gentleness when she looks at me now. Naninibago ako.
"I lost my heart, I lost my mind..."
Tinulak-tulak ako ni Rense habang nakiki jam sa kanta. Hindi ko na pinansin dahil abala ako sa pakikipag titigan kay Bei. She licked her lips and the way her hands moved to strum... it made me shiver.
Nilapit niya ang labi sa mic at sumabay sa kanta. I never thought I would hear her lovely voice.
"Without you, without you..."
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...