Chapter 21Pagkatapos ko mag karoon ng mental breakdown, hindi na ako bumaba at nanatili na lang sa kwarto para isipin ni Mama na tulog na ako. Hindi ko alam bakit bigla bumuhos ang emosyon ko na ganito. Siguro dahil na rin sa pagod at sa sobrang pagtatampo kay Ryn. This is unexpected and I don't want to deny...
Tama bang magustuhan ang isang 'yon?
Puro pang iinsulto lang naman ang laman ng mga mata niya. Paano ako nagkakagusto sa kanya? Tama pa ba 'tong nararamdaman ko? I'm fucking straight at alam ko 'yon e. Pero ngayon, dumating sa punto na ki-ni-kilala ko na naman muli ang sarili ko.
I closed my eyes at hinilamos ang mukha ko gamit ang mga kamay. Mas nakaka stress pa 'to sa physics. Hindi ko maipaliwanag bakit nakakaramdam ako ng ganito towards Bei. Yes, she is very attractive at hindi na ako makakuha ng ibang salita para i-describe ang nakakabighani niyang hitsura.
Having that pretty-handsome face and a strong charisma. Dahil ba doon kaya ako nahulog? O dahil sa mga interaksyon namin at sa galing niya na mambola at mag pahulog? I don't know! Dapat hindi ko na 'to isipin pa para naman mawala.
Alam ko na higit pa 'to sa pagiging attracted ko sa kanya. This is different from what I felt from other girls before! Hanga lang 'yon pero sa kanya, hanga na may halong romantiko. Gosh! Bakit ganito ka ka-angas, Beatrice?!
Maybe all I have to do is to look for every bad side para ma turn-off ako at makalimot sa ganito. Maybe all I have to do is to convince myself that I don't like her that way... but that will be denying at ayoko maging in denial.
Kakalimutan ko siya, hindi i-de-deny!
Tama. Iiwas ako sa kanya dahil ayoko na ng marami pang interaksyon at para ma-divert ko ang atensyon ko sa iba. Ma tu-turn-off ako sa kanya at mawawala ang feelings ko. Feelings won't last. 'Yon ang sabi nila at sa sitwasyon ko ngayon, 'yon ang panghahawakan ko.
Pero ngayon... wala naman siguro ang masama kung mag-reply ako sa mabait niyang message, 'di ba? Last na 'to! Kasi mabait ako!
Mabait ako kaya mag re-reply ako at hindi ko hahayaan na siya lang ang maging mabait. Nakaka-offend naman kung hahayaan ko lang ang message niya at mag iinarte. Teka, anong pake ko kung ma-offend siya? E dapat nga makakita ako ng ikaka turn-off ko...
Argh! Sabi ko nga, last na 'to.
Art Cianne Torrecareon: Good night, Bei.
After I hit the send button, nakahinga ako ng maluwag. This is it, tapos na! 'Yon lang naman ang i-re-reply ko. For sure, wala naman na siyang ma-du-dugtong d'yan dahil parang end of conversation na 'yan pero kung mayroon man, edi...
Bei Cadence: Are you asleep? Gusto mo ba pag-usapan 'yung kanina?
Oh shit!
At dahil akala ko wala na siyang i-re-reply ay iniwan ko 'yon sa conversation namin ayan tuloy! Seen agad! Huminga ako ng malalim. Sobra-sobra na sa araw na 'to! Argh!
Art Cianne Torrecareon: Oo. Tulog na ako.
After I hit the send button, nag-send ako ng photo ko na nakapikit at tila natutulog. I chuckled. Simpleng kasiyahan ko ang pagiging pilosopo. Nakita ko ang pagpapakita ng bubbles katabi ng profile niya. Alright, she's typing!
Bei Cadence: That's witty.
She sent it with a stupid laughing emoji on the side. I winced. Ang sosyal naman niya mag react.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...