Rhymes of Promises: 24

0 0 0
                                    


Chapter 24

"May plano kami ni Yscha."

Wala si Rense. Ito na ang tamang oras para sabihan sila na si Rense at si Janeza ang magiging unang kliyente ng aming booth. Lumapit pa si Beck, Ken at Lizzy.

"Ipakasal natin siya kay Janeza."

Hindi napigilan ni Kenny ang tumawa ng malakas kaya naman may mga napatingin sa amin. Sinamaan siya ng tingin ni Lizzy habang si Beck ay nakangisi.

"What a good plan, sino ang magdadala kay Rense sa booth?"

"Ako na ang bahala ro'n, ang kailangan ko ay sabihan niyo si Janeza na bibiruin lang natin si Rense." Sagot ko sa tanong ni Lizzy.

Yscha and Hares are gone, hindi naman alam saan sila pumunta after the contest kaya tinawag ko na lang ang ibang tropa para masabi ang binabalak namin. Ite-text ko na lang siya.

"I can do it!" Ani Lizzy.

Bumuo kami ng plano at sumama sa akin si Beck habang ang mag kapatid naman daw ang kaka usap kay Janeza. Nag-iwan na rin ako ng text kay Yscha at kay Bei dahil nag te-text na pala siya kanina pa.

Me:

Sunod ako, Bei. Gotta do something! :)

Bei Cadence:

Alright.

Hinanap namin si Rense at sa field lang din namin siya natagpuan. Nambobola siya sa may tinda ng palamig para makalibre.

"Langya, kahiya talaga 'to." Ani Beck.

I chuckled and we walked towards her.

"Ayaw maniwala! Maganda ka nga, gusto mo paramdam ko pa sa 'yo kung gaano ka kaganda e!"

Hinatak ko si Rense.

"Tang ina mo, hindi ka ba nahihiya?"

Bumulong lang ako sa 'kanya at nginitian ang babae na binobola niya. Naglalagay na ito ng palamig sa plastic cup.

"Ano ba! Doon nga kayo, nakuha ko na e!"

Bumaling siya sa babae pero masama na itong nakatingin sa 'kanya at binalik muli ang palamig kaya busangot si Rense habang hatak hatak namin.

"Gusto ko nga kasi 'yon e! Panira kayo!"

"Bibilhan na lang kita mamaya, may gagawin tayo!" Inis na sagot ni Beck.

Bagsak balikat si Rense habang papunta kami sa booth. Nakita ko na sa labas ang presidente namin at kinindatan siya.

"Tagal niyo!" Aniya.

"Sorry! Hinanap ko pa kasi si Rense."

"Ano bang meron?!" Inis na tanong ni Rense.

Nagkatinginan kami ni Beck at pareho na ngumisi. We went inside at sumalubong sa amin ang kaklase ko na mag-aayos sa bow sa suot na shirt ni Rense. Mukhang alam na ni Rense ang gagawin namin dahil sa unti-unting namilog ang mga mata niya.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now