Chapter 25"Gooo, my baby Cianne!"
"Art Cianne for the win!"
"Galingan mo! Galing galing mo humarot kanina!"
'Yan ang samu't saring naririnig ko mula sa mga kaibigan na naka-upo sa bleachers at pinanonood ako na humampas ng bola. Nag-start ang volleyball pagkatapos namin mag asaran ni Bei kanina.
Nakapag palit ako ng jersey at nakapag tali bago sumalang. Ako agad ang isa sa sasalang. Nakita ko si Bei sa taas ng mga kaibigan ko and I can't help but to think about our conversation earlier.
"Baka gusto mo i-try?"
Nag matapang ako kahit sa tingin ko ay matutunaw na ako. Matapang lang 'to sa salita pero tunaw na ang sistema.
"Ang haharot naman! Nasa daan kayo!" Reklamo ng isang estudyante.
Ngumisi ako.
"Wala ka lang e!" Asar ko.
Inirapan ako ni 'to kaya binalik ko na ang atensyon kay Bei. She's already smirking.
"Why don't you eat again so that I can try?"
Wala na, tunaw na!
Nanghina ang mga tuhod ko sa narinig, pabulong 'yon para hindi marinig ng iba! Umirap na lang ako sa kanya at kinuha ang fries ko! Masyado siyang palaban! I can't take her! Nakakainis, talo ako!
Pero hindi ko akalain na makikiliti ako sa mga salita niya, sa mga aksyon niya.
"Mine!"
Agad kong kinuha ang bola by smashing it.
"Woo! Galing mo Torrecareon!" Rinig ko na sigaw ni Beck.
"Ako ang paluin mo, Art!" Sigaw naman ni Rense.
Napailing ako dahil do'n. She's so witty! Nakita ko naman ang mga kaibigan na sinaway siya. I will laugh from time to time because of Rense.
Sa pagtagal ng oras at ng laro, mas napansin ko ang pagka lamang namin. Napansin ko rin na ako na ang ginagawa nilang setter. Ang posisyon ko ay libero talaga pero pinagpalit kami ni coach kanina dahil mas magaling daw ako rito.
Nakita ko ang pagtayo ni Bei at kasabay no'n ay ang hindi pagsalo ng bola! Shit! Nadi distract ako!
"Tingin sa bola!" Sigaw ni Lizzy.
Napailing iling ako.
Sa next time out ay pina upo muna ako ni coach. May nag sub sa akin dahil baka raw pagod na ako. I saw my friends, they are judging my teammates nung wala na ako. Napailing na lang ako habang inaayos ang knee pads ko.
Tumingin ako sa pwesto ni Bei at nakitang may kausap siya na ibang babae. Kahit na malayo ako ay kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mata ng babae na kausap niya habang nakatitig ito sa kanya.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...