Rhymes of Promises: 26

1 0 0
                                    



Chapter 26

"Fries?"

Tinanggap ko ang fries na bigay ni Bei. Alam niya na ang flavor na gusto ko at oo na, makapal ang mukha ko dahil nag palibre na naman ako.

"Thursday na, last na bukas kaya pumunta na tayo ng horror house!"

Inaya ko si Bei dahil siya lang naman ang kasama ko ngayong hapon, hindi ko alam kung nasaan ang mga barkada ko dahil hindi ko rin naman sila hanahanap.

"I don't like horror things, Cianne."

I smiled as I pulled the hem of her shirt.

"Please?"

Tiningnan niya ako at huminga ng malalim bago dahan-dahan na tumango. I jumped out of happiness. Umiling-iling lang siya pero nakita ko ang mumunting ngiti na nagpakita sa labi niya!

"Ako na bibili ng ticket, wait for me here."

Tumango ako at nanatili sa kung saan ako naka upo. Habang kumakain ng fries ay nakita ko ang papalapit na si Ryn. Hindi na kami masyado nagkikita dahil marami sinalihan ang isang 'to at iba iba ang schedule namin sa booth. She smiled at me.

"Hi, Cianne!"

"Hi, Ryn!"

Umupo siya sa tabi ko at hindi ko alam kung bakit bigla ako nailang.

"Uh... we didn't talk for a while. How's the event going for you so far?"

Ngumiti ako sa pag-ingles niya. She's fluent.

"Ayos lang. Sa 'yo? Balita ko marami raw ang active ngayon na Le Quinn members kaya hindi na rin nagkikita kita sa studio."

Tumango siya.

"Ayos lang din. Nasabi din sa akin ni Ryu. I met him yesterday. Sino pala kasama mo?"

"Ako."

Sabay kami napalingon kay Bei na nasa gilid ko na. Tumayo ako dahil nagningning ang mata ko sa ticket ng horror booth!

"Lika na!"

"Saan kayo?" Tanong ni Ryn.

"Punta kaming horror booth. See you!" Ani ko at nag wave na lang sa kanya dahil excited talaga ako.

Hindi na namin siya hinintay na magsalita, hinatak ko na si Bei palayo do'n, papunta sa entrance.

"Sandali, Cianne. Ipalagay mo muna ang fries mo sa counter."

Tumingin ako sa kamay ko at hawak ko pa rin ang fries. Tumango ako sa 'kanya at pumunta sa may tiga bantay para ipalagay 'yon do'n. Pagkatapos kausapin 'yon ay pumunta na kami sa may pintuan.

"Enjoy,"

Ngumiti lang ako sa nagbabantay habang si Bei ay tila nag dadalawang isip na pumasok pero hinawakan ko na ang braso niya para hindi na siya mag dalawang isip pa.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now