Chapter 13In our lives full of judgments, did we ask ourselves, did I judge you? Did I secretly judge myself? If I can help other people, then I can help me, right? We always do what people hate because sometimes we'd like to draw attention. We humans are attention seekers, and we just don't notice it until other people do too. Just like our own judgments, we judge other people, but what we don't notice is, we judge ourselves too.
I looked at the man standing in front of me.
"Beck." I uttered.
Even when we're just meters away, I feel distant.
Umayos ako ng tayo, tumingin sa mga mata niyang walang ibang hatid kundi lamig at dilim. I gave him an empty smile, hindi maayos ang huling pag-uusap namin, nagtalo kami at ngayon, ngayon lang kami nagkita.
"Fries and shake?" Tanong niya.
I'm not in the mood for that at hindi ko alam kung magkakaroon ako ng gana ngayon na hindi kami maayos, may problema.
"Can we just talk?" Ani ko.
He nodded. Tumalikod siya at naglakad, sumunod ako. Hindi ko alam kung saan kami mag-uusap. Naglakad kami hanggang sa mapunta sa garden. Pumasok kami do'n nang walang kumikibo at naupo sa may upuan, kung saan kami umupo dati no'n ni Rense kapag may mga tao sa rooftop.
"I'm sorry,." He started.
Nilingon ko siya, nakayuko siya. He's not the energetic Beck now, hindi maayos ang porma ng mood niya at pati ng katawan niya. Konti na lang, iisipin ko na sobrang broken niya.
"Kumusta ka?" Tanong ko.
The more important here is his status, wala na akong pake sa mga nasabi niya noon, sa pagtatalo namin. All I want is to know his status, his feelings. He's my best friend, I don't want to fail as his best friend in times of need.
"I love... Enicka." His voice shook.
"But my love for her is not enough to hold us strong."
Nakatulala si Beck sa mga tanim, wala siya sa sarili niya at nararamdaman ko 'yon habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon.
"Ayoko patagalin 'to dahil right after our graduation, sa Manila na ako, ayokong umalis na hindi tayo nagkakabati."
Yumuko ako.
The fact that he's leaving made an impact on all of us nung sinabi niya 'yon. Pansamantala namin nakalimutan 'yon pero ngayon na pinaalala niya, bumabalik ang lungkot sa akin. Okay pa 'yung mag ka tampuhan kami e kaso ito, nakakasakit. After our graduation, sa Manila na siya mag co-college.
"Beck, hindi naman na importante 'yon, we just need to make the most out of it before you leave." ani ko.
Tumingin siya sa akin. I froze when I saw his eyes, he's got an unshed tears.
"I'm sorry, dinamay pa kita. Hindi kita inintindi—"
I hugged him.
Naramdaman ko ang pagpikit niya at pag pahinga ng mukha niya sa balikat ko, tinatago niya ang mga mata niya na alam ko na gusto nang lumuha. For all those days na hindi kami nag usap, alam ko kung gaano siya kalungkot, ngayon niya lang nailabas.
He held my waist as his shoulder shook.
"Beck, ayoko lang na malaman mo pa ang mga in-open ni Enicka. Being your friend doesn't give me the right to disclose Enicka's problem and pain." I said.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...