Chapter 9"Oh come on! Hanggang dito ba naman?"
That was Beck. Iritado siya. I didn't mind him though while in my peripheral vision, I saw how Ysa looked at him.
"Hi! Kumusta practice?" Tanong ko kay Ryu.
Nakapamulsa siya at kitang kita ko ang pogi niyang ngiti. I didn't know that he can project like that. Marami kaya 'tong babae? Magaling sumayaw, pogi, mabait at for sure, matalino? I smirked. Ryu is a catch, too.
"Well it went well pa rin, thanks for lighting up the mood." He sarcastically said and I laughed at that. I roamed my eyes.
"Wala ka kasama?" I said.
"Susunod pa lang. Si Hares at Gerald lang naman,"
I nodded. Kung wala siyang kasama ay maaari ko siyang imbitahin para maglaro. Hindi ako marunong pero sayang naman ang opportunity... na maging kaibigan ko siya. He seems nice, 'yung gugustuhin mo na maging kaibigan. Hindi boyfriend dahil wala naman sa bokabularyo ko 'yon.
"Ah ganun ba? Sige, enjoy!" Ani Beck sa gilid ko kahit hindi naman siya kasali sa usapan.
"Gago ka talaga." Bulong ni Ysa but I know that Ryu heard that and he chuckled. He chuckled! He freaking chuckled!
Gosh it sounds so good!
Kakaiba ang pagtawa niya... ang sarap ulit-ulitin sa tainga and in my whole existing life... hindi pa ako natuliro nang ganito sa isang tawa ng lalaki! Even my idols. Ngayon lang at kay Ryu pa! Gosh, is this something about his looks or his baritone voice?
"I'll go now. See you around, miss ma'am." He waved his hand at me and walked somewhere.
My lips are parted. Tinikom ko ang bibig ko at pinasadahan ng dila ang dalawang labi. This is not good. Iba ang epekto sa akin ni Ryu ah? Magiging best friend ba kami kaya ganito? Well it's not bad to recruit him to our barkada, he's a perfect fit for me—us.
"Day-dreaming over?" Beck then uttered with uncertain anger in his tone. I rolled my eyes, ano ba kailangan ni 'to?
"Ano ba problema mo?" Tanong ko.
Yscha took a glass and drank it. Nakatingin siya sa amin dalawa ni Beck na para bang nasa palabas kami at siya ang audience. She's enjoying this, huh? Ni hindi ko nga alam ano problema ni 'to. Buti na lang at dumaan si Ryu, hindi ako maba badtrip.
"I need to talk to you! Nakita ko kayo ni Enicka kanina." He said.
"Oh ano ngayon?" Sagot ko.
I'm trying to change it. Ayoko na sabihin pa sa kanya ang mga sinabi ni Enicka, o maski ang in-open na problema ni Enicka. I wouldn't like that. Parang... parang mapapahiya ko si Enicka kung ganun at wala naman siya sinabi na sabihin ko kay Beck. Walang consult kaya ayoko, hindi pwede. Kahit na kaibigan ko pa si Beck, hindi ko gagawin 'yon. Enicka is hurt at wala siya ibang masandalan kanina kung hindi ako at hindi ko sasabihin ang napag-usapan namin kanina.
"Ano ang mga sinabi niya?" Beck's voice is now cold.
"Wala-"
"Sino ba ang kaibigan mo dito, Cianne?"
I frowned. Hindi ko nagustuhan ang atake niya. Ysa shifted on her seat too, nakita ko ang iba pang kaibigan na papalapit na, tapos na ata maglaro. Tumayo ako sa harapan ni Beck at matalim siya na tiningnan. Tumayo na din si Ysa, para bang alam nila na may mangyayari na hindi maganda.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...