Rhymes of Promises: 27

0 0 0
                                    



Chapter 27

Self-awareness is a tool that helps everyone navigate their own feelings and thoughts. By gaining a deeper understanding of oneself, we develop a stronger sense of emotional intelligence that can positively impact our relationships with others.

And here I am, thinking deeply...

Naiintindihan ko pa ba ang sarili ko?

Ang nararamdaman ko?

"Cianne, mag-kwento ka."

Naka-palibot sila sa akin. Nasa rooftop kami at pagkatapos kumain ay pinili nila na dito dalhin ang usapan. Sinabi ko naman na walang dapat pag-usapan pero kalat ngayon sa feed ng school ang pictures at nakita nila na isa ako sa na picturan.

Palabas kami ni Bei sa horror booth at naka holding hands kaya hindi nakaligtas sa mga 'to. Dumagdag pa ang picture na pumunta kami ng photo booth at lumabas na nagbubulungan.

Bakit kasi kalat ang mga namimicture?

Hindi lang naman kami ang nando'n ni Bei pero nakita nila ako do'n kaya binibig deal nila.

"Look guys, mukhang wala naman kasi-"

"Isa ka pa, Ysa. Kaya nga si Art ang tinatanong namin e." Ani Ken.

I sighed.

"Okay, fine! Nagkaka mabutihan kami ni Bei. But, that's it, alright?! We're doing it dahil ngayon lang kami nabigyan ng chance para makapag bond...as a friend."

I heard Beck sighed.

"We all know that Bei isn't straight,"

"So?" Balik na tanong ko kay Liz.

"Cianne, iba ang nakikita ko." Singit ni Rense.

Nainis ako dahil tila ba pinag tutulungan nila ako kahit wala naman akong masama na ginawa! Binigyan ko sila ng naiinis na tingin.

"Ano bang bini big deal niyo? Ang pag-enjoy namin sa mga booths?! Well, I'm sorry! Hindi ko kayo nasama-"

"That is not about it." Ani Beck.

"Then what?!" Inis na tanong ko dahil hindi ko na rin mapigilan ang sarili.

"Cianne, that Bei isn't good for you! Bago lang 'yon dito at hindi namin—natin kilala! Baka mamaya may planong masama sa 'yo 'yon at teka, kailan ka pa pumatol sa baluktot?"

Hindi ako makapaniwala na tumingin kay Rense as she said those words. Mas lalong nanaig ang inis ko sa kanila dahil mas hindi ko nakukuha ang punto nila.

"Teka, huh. You're actually telling me that, Rense? Sinabi ko naman sa inyo 'di ba? She's my friend! Bakit ba kayo nakikialam?!"

I looked at all of them. Si Ysa ay tahimik lang na nakayuko sa tabi habang ang apat ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Cianne, we just want to know if that Bei is good for you-"

"Hindi siya lalaki, Cianne. Baka niroromanticize mo lang—"

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now