Rhymes of Promises: 22

1 0 0
                                    



Chapter 22

"Gooo Beckkkk!!!"

Tumalon-talon kami habang chine-cheer si Beck na naglalaro ngayon sa court. He's moving too fast and good! Ang galing maglaro ng isang 'to. Nakatayo kami sa ibaba ng bleachers. Punuan ngayon ang covered court dahil dagsa ang mga estudyante na sumusuporta sa team na gusto nilang manalo.

Ako, si Ysa, Rense at Liz ay may hawak hawak na mga banner, nakataas 'yon para i-cheer ang dalawang team. Dalawang team dahil hindi magkasama sa iisang team sina Beck at Kenny. Ibababa lang namin 'yon kapag nasa bangko ang mga bata namin.

"Sige! Ipilit mo!" Sigaw pa ni Rense.

"Gosh, Rense! Where's your class?!" Maarte na ani Ysa.

"Class class ka d'yan?! Pucha! Galingan mo naman, Beck!" Aniya at muling tinuon ang pansin kay Beck.

I shook my head and laughed. Kakaiba talaga ang isang 'to. Nasa kabilang side ng court ang mga heads at ang screen kung nasaan makikita ang scores. Lamang na sila Beck, humahabol naman ang team nina Kenny. Hindi ko alam bakit 'di sila pinagsama ngayon pero ang alam ko lang ay malaki ang posibilidad na manalo ngayon sina Beck. Kenny's team seems weak.

"Ang tagal! Hanggang kailangan ba u-upo si Kuya?!" Naiinis na tanong ni Liz.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa pinapasok si Ken sa game at naiinis na ang kapatid niya dahil baka masayang lang ang banner na ginawa namin!

"Sandali! Naiihi ako!" Ani ko, hindi na kami masyado magkarinigan dahil napakaingay ng buong gym!

"Sasama ako!" Ani Lizzy.

I nodded and made my way out of the crowd. Malapit sa entrance at exit ng buong gym ang restroom at room ng pahingahan ng mga players. Sa entrance ng gym ay may hagdan na paakyat sa second floor, kung nasaan ang gym equipments para naman sa mga athletes.

"Grabe! Dami tao!" Reklamo ni Liz.

Nang sa wakas ay nakalabas na kami, huminga ako ng malalim. Sa tingin ko, masyadong naipon ang hininga ko dahil sa mga sigaw nila at nagawa ko pa makadaan sa magulo at masikip na 'yon!

"Buti nga nakapwesto pa tayo e," ani ko.

Naglalakad na kami pareho papunta sa restroom. Nauna na akong pumasok dahil tumayo si Liz sa harap ng pintuan at naglabas ng cellphone. As I went inside, I was welcomed by the fresh air! Sa restroom lang pala. Mabango 'yon, hindi mabaho gaya nung punta ko nung nakaraan dito. Mukhang binibigyan na ng pansin itong cr na 'to ngayon.

Dalawang cubicles lang ang nasa loob, masikip pa. Nang pumunta ako sa isa, lumabas din ako dahil sira ang lock! Argh! May tao pa sa isa kaya naman nanatili ako sa may harap na lang ng malaking salamin at punasan ang pawis ko at makapag retouch. May laban pa ako ng badminton mamaya.

Hindi rin nagtagal, bumukas ang isang cubicle pero nagulat ako nang makita kung sino ang lumabas mula doon!

"Uh...hi," she said.

I raised my hand to make a wave for her. A small wave.

Naglakad siya paalis sa harap ng pintuan ng isang cubicle at papasok na sana ako do'n ngunit may biglang tumakbo papasok, umatras ako at tumama ang likod ko sa lababo. Also, Bei was pushed towards me! Lumaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. She's leaning on me! Gulat din siya kagaya ko!

"Sorry!" Sigaw ng babae na nagmamadali at nauna pa sa akin na pumasok sa cubicle!

But I couldn't care less. With Bei, leaning on me and I was cornered because her arms are now resting in the sink!

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now