Rhymes of Promises: 12

1 0 0
                                    


Chapter 12

"Nag tryouts na kayo?" Salubong ni Ysa.

"Mamaya ako!" Sagot ko.

"Tapos na ako!" Ani Kenny.

"Sabay ako mamaya kay Cianne!" Ani Lizzy.

"Baka bukas, tinatamad pa ako!" Ani Rense.

Right. Beck isn't with us, hindi siya sumipot sa tambayan ngayon, kahit naman kahapon. I don't know what's going on with him. Hindi rin naman kami nagkaka-usap kahit sa chat. I also need to talk to Enicka, kailangan ko na kasi makuha ang panyo no!

"Mag try-out na kayo mamaya para may kasama ako sa pag practice sa gym!" ani Ysa.

Sa gym lang naman 'yon. Three days lang 'yon at pangalawa na ngayon, kailangan makapag try-out na kami para naman tapos na. Gusto ko sumali sa sport na kaya ko naman bukod sa sayaw na gagawin sa SHS week. Busy din ang buong campus dahil do'n. Tapos na ang college week, nauna 'yon kesa sa SHS week kaya ngayon ay building naman ng buong SHS ang busy.

All of the strands are talking about the games, booths and of course, the Mr & Miss that everyone is also excited about. Ang alam ko, ang napili sa STEM ay si Yscha, sa ABM ay si Janeza daw, sa Tourism Operation ay si Enicka, sa HUMSS naman ay Lizzy. Sa HRO at ICT ay hindi ko kilala ang dalawang representative nila do'n.

All the SHS students are required to join the sports game, if not, pwede naman ang cheerdance. As for me, mas gusto ko lumaban sa volleyball at badminton dahil do'n ako magaling, ayoko na din sa cheerdance dahil quota na kaming mga seniors ng Le Quinn, kaya ang balak namin ay pumili na ng grupo para makapag perform kahit ang isang junior group sa amin.

"Agree ba kayo sa booth?!" Tanong ng president namin na mukhang stress na stress na.

Nasa homeroom kami at ito ang official section namin, wala nang halo na irreg tulad ng dati. Iba iba ang klasmeyt ko dahil naka shuffle ang bawat isa sa mga teachers. Magulo ang classroom, may kanya kanyang mundo at pinag uusapan tungkol sa darating na SHS week.

"Hoy! Makinig muna kayo!" Sigaw ng secretary namin.

Nakaupo lang ako, nagmamasid. Wala naman kasi ako masasabi.

"Ang gulo!" Reklamo ni Ysa.

I shrugged.

"Sino ba ang sasali sa Amazing Race?!" Sigaw ng presidente ng classroom.

May mga nagtaas ng kamay, each section ay gusto nila may representative bawat game. Sa cheerdance naman, sasali ang gusto bawat section at gagawin naman per strand ang pag g-group.

"May post slogan, digital art at quiz bee pa!" Sigaw naman ng sekretarya.

Silang dalawa lang officer na present ngayon kaya naman mas magulo ang classroom. Kapag ganitong SHS week na kasi, wala na masyadong pumapasok dahil wala na din gaanong nagtuturo, advance ang mga lessons namin dahilan kung bakit mabilis kami natatapos.

"Bahala kayo! Kainis!" Ani sekretarya at tinapon ang marker na hawak.

Walang natinag sa amin, ang iba ay tumahimik dahil sa pagwawala ng sekretarya, ang iba ay nagsisisihan habang ang iba ay tumatawa pa.

"Yscha Elle Ico daw for Mr & Miss," sigaw ng kung sino man sa pintuan. Ysa rolled her eyes.

Sa lahat ng section under our strand, siya ang napili because I declined. Tinanong ako isang beses at sinabi ko na bukod sa volleyball at badminton, may concert pa ako na pinaghahandaan at under ko ang mga trainee na mag pe-perform sa cheerdance intro pati na sa SHS week.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now