Chapter 17"Pano kung 'di ka na maka sayaw?! Pano kung 'di ka na makalakad?!"
Ysa pushed Rense so she would stop her theories. Tumatawa naman si Kenny at si Lizzy habang Beck ay nag aalala na nakatingin sa akin. I chuckled, pagkadala sa akin sa clinic, sumunod sila dahil sinabi raw ni Ryn kay Ysa at sinabi naman ni Ysa sa lahat, hindi na ata sila tutuloy sa plaza nang dahil dito.
"Ang OA mo naman, Rense! Manahimik ka na lang, hindi naman malala tama niya e." Ani Ysa.
"Bakit hindi ka na lang uminom ng lemonade?" Ani Kenny habang nakangiti.
Rense glared at them, lumapit ito sa akin at salubong ang kilay na tinaas ang braso ko, pinata likod niya rin ako dahil chine-check niya ang likod ko, ang balakang ko. Ayon kasi ang tumama at masakit! I licked my lips at the contraction when she pushed me to sit.
"Hoy! Ikaw talaga!" Ani Lizzy at muling tinulak si Rense palayo sa akin.
"Bakit? Chine-check ko lang naman!" Depensa ni Rense.
"Sinasaktan mo na si Cianne e! Masakit kaya 'yan! Manahimik ka na lang d'yan!" Suway ni Beck.
"Tigilan niyo nga si Rense, ayos lang ako." I said, wiping all their worries.
"Ikaw din kasi! Tatalon ka na nga lang, hindi mo pa inaayos!" Ani sa akin ni Ysa, ngumiwi ako.
"Hindi siya no! 'Yung mga dapat sasalo sa kanya ang sisihin!" Ani Kenny.
Hindi natapos ang argumento nila, nagpatuloy 'yon at tumawa lang si coach Melly na nasa gilid lang. She stood up after a while.
"Babalik na ako sa taas, it's up to you kung gusto mo pa o uuwi ka na para makapag pahinga but I suggest to you, i-pahinga mo para hindi ka mahirapan." Ani coach.
"Nag cancel na kami so umuwi na tayo, ihahatid kita." Ani Beck.
Sa palagay ko, mas maayos nga kung ipapahinga ko na ngayon at huwag ko na puwersahin dahil baka bumalik ito sa akin pagka performance day na. I nodded at coach Melly, sinabi ko ang desisyon agad dahil hindi na siya magtatagal pa, kailangan niya ng balikan ang mga kagrupo ko. Hindi na rin naman ako nagtagal sa clinic, umalis na kami pero ang mga OA kong kaibigan, naghahanap pa ng wheelchair.
Pagkauwi, marami akong natanggap na messages at mostly galing sa Le Quinn members. Si Ryn ang una kong ni-replyan.
Leiryn Rae: Hi! How are you? Sorry I didn't get the time to visit you.
I smiled.
Art Cianne: It's alright, Ryn. I'm feeling better now. :))
Ganun din ang reply ko kay Ryu na isa sa mga nag message. Since we're not close, hindi na ako nag expect ng message from Bei and why would I do that?! Mas gugustuhin ko na magkaaway kami kesa ang ganito. Kalaunan, umuwi na din si Mama.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya, takang nakatingin sa akin.
"Nagkaroon po ng aksidente sa praktis, tumama ang balakang ko."
"Ayos ka na ba? Anong gusto mo?" Tanong niya, nag-aalala.
I smiled.
"Ayos lang ako Ma, kumain na po tayo,"
She nodded. Kahit masakit ang balakang ko at ayaw niya ako patulungin, ginawa ko pa rin, ako ang nag ready ng table habang siya ay nagluto ng panandalian na ulam namin ngayong gabi. Ni-lock ko na ang pintuan pagkatapos kong mag ayos ng lamesa, hindi na namin hinahayaan na buksan ito ng matagal sa gabi.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...