Chapter 11Do you fully know yourself?
"Try it with an energetic music, mas okay pag nakaka relate ang iba lalo na sa music." Kumento ko at tumayo.
Hinihingal pa siya, nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin mula sa likod niya. I smirked. Inabot ko sa kanya ang isang bottled water. Tinanggap niya 'yon, tuliro siya na para bang nakakita ng multo.
"Kanina pa ako and'yan, sorry, did I distract you?" I asked sarcastically dahil naalala ko ang huli naming interaksyon, ang pakikipag away niya sa walang kwentang bagay. She gave me a raw smile.
"No. I distracted myself with you." She answered sarcastically.
Tumawa ako. Nakatingin siya sa akin at bumaba ang tingin sa hawak na tubig na binigay ko, para bang iniisip niya pa kung saan galing 'yon at bakit niya tinanggap 'yon. Her kind of damp hair is going on her face. Maikli lang ang buhok niya, wolf cut gaya ng kay Rense kaya naman napupunta talaga sa mukha niya 'yon lalo na ngayon na pawisin siya.
"Nag sa-suggest lang ako, 'wag mong masamain ah?" Ani ko ng nakakaloko.
Tumalikod na ako, hindi naman na ata siya sasagot. Matutulog na ako gaya ng plano ko kanina dahil may klase pa ako mamaya, at least an hour sleep would energize me. Kesa naman habang nag ka klase ako matutulog.
"Thank you." Her deep voice echoed.
I waved my hand. Hindi na ako nag atubili na humarap.
"And I'm sorry. Ako 'yung mali last time."
Do'n ako humarap. She? Saying sorry? I smiled.
Akala ko insulto ang makikita ko sa mga mata niya pero hindi, it's a pure emotionless eyes of her, hindi na insulto ang nakikita ko and I'm glad. Dahil iisipin ko na hindi siya sincere kahit ang tono niya ay sincere.
"Wala na 'yon, just enjoy this." Maikling ani ko.
Tumango na ako at hindi na hinintay pa ang i re-reply niya. Hindi ko kasi alam bakit bigla ako nakaramdam ng kaba nung humarap ako sa kanya. Nung nagkaroon kami ng eye contact. Was this just normal?
"Uhm... are you gonna do something?" Habol niya.
"Oo. Matutulog ako dito, mag sayaw ka lang d'yan, I won't disturb you." Ani ko, hindi na lumingon sa parte niya, gugustuhin ko na lang matulog kesa ang isipin na parang nagbabati kami ngayon.
Hindi na siya sumagot. Humiga ako sa gilid, sa pwesto ko at tinakpan ang mga mata ko ng face towel ko. Ayoko na kasi na makakita pa ng kung ano, kung aalis man siya, umalis na siya. O kung sasayaw pa siya, sumayaw lang siya. Hindi naman kaso sa akin ang music dahil kahit malakas 'yon, nakakatulog pa rin ako.
Not long enough, I woke up feeling a bit heavy. Nag alarm na ang cellphone ko at nakakarinig na ako ng iba't ibang boses sa paligid. Tinanggal ko ang face towel at unang bumungad sa akin ang nakaupo na si Ryn, sa bandang paanan ko siya at nag ce cellphone. Agad niya 'yon binaba ng makita ako na gising na.
"Hi! Good morning," she said as she smiled at me.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko dahil nahihilo pa ako. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, gusto ko pa matulog pero nag alarm na ibig sabihin, malapit na ang klase. Gosh! Kulang na kulang ang tulog ko! Dahan-dahan ako umupo. Tinulungan pa ako ni Ryn.
"Ang aga mo para matulog." ani Ryn na tumatawa.
Sa inaantok na mata, ginala ko 'yon sa buong studio. Nando'n na ang naka schedule na grupo ngayon at ang mga miyembro ng Le Quinn, they are doing something, talking about something pati na ang grupo nila Rald na nag-uusap, mamaya pa siguro sila mag pa practice.
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...