Chapter 4As a teenager, minsan ay hindi ko na iniisip ang mga ginagawa ko because there is an always saying that... enjoy life! Enjoy habang bata ka pa, habang kaya mo pa kaya minsan lang pumasok ang pagdadalawang isip ko. I always thought that I was enjoying it, when I was in my teenage years. But then, I'm wrong.
I was just inside the house, doing the house chores and sulking when I had the time to.
Wala akong oras para mag-enjoy dahil hindi naman kami mayaman, wala akong pera at wala akong karapatan dahil paano ako mag-eenjoy kung ang nanay ko ay nagpapakahirap? I have always loved my mother and her care. That will never change.
"Cianne, ikaw na ang pumila sa kuryente. Lalakarin ko lang ang sa tubig," ani Mama.
"Sige po. Mag-ingat ka, Ma!"
I kissed her cheek. Nag-hiwalay na kami nang nasa bayan na, nilakad ko ang patungo sa bayaran ng kuryente habang si Mama ay sa tubig. Magkahiwalay 'yon pero hindi naman kalayuan kaya naman inutusan na ako ni Mama don. Bata pa lang ay namulat na ako sa ganito but I am glad, dahil alam ko na ang kalakaran, alam ko na kung paano.
Nang lumaki kay Mama, mas natuto ako sa mga bagay, kahit sa palengke ay kasama niya ako kaya alam ko kung paano mamalengke, alam ko rin paano magbayad ng kuryente at tubig, alam ko rin kung paano mag-commute. It was all because of Mama. Binuksan niya na agad ang mga mata ko sa realidad ng mundo.
At first, natatakot pa ako at masyado akong mahiyain, ni hindi ko nga magawang makipag usap sa ibang tao ng matagal hangga't wala silang inilalahad na topic dahil kapag ako, na me-mental block ako kapag kailangan na mag-isip ng topic, nakakahiya. Nahihiya din ako magtanong sa cashier dahil feeling ko, may mali ako na masasabi. It's all about that. Akala ko nga noon, pinapapila ako ni Mama para iwan ako. I always laughed at that thought. Feeling ko kasi iniwan niya na ako kapag matagal siya na nawala at malapit na matapos ang linya, may isang beses pa na pinauna ko na ang nasa likod dahil kinakabahan ako na hindi na dumating si Mama.
But fear won't last too long.
"Lumaki ako na hindi ginagawa ang mga 'to, hindi mulat sa tunay na kalakaran ng mundo..." Sabi sa akin 'yon ni Mama at ayaw niya daw na mabuhay ako na ganoon, mas maayos daw ang may alam ako at nagsisimula ako na maging independent.
I learnt to be an independent in no time.
"Hija, ilang taon ka na?" Tanong ng ali na naka salubong ko. I smiled at her as I opened the door.
"Seventeen ho..." sagot ko at nauna siyang pinapasok dahil matanda na ito. Nasa harap lang kami ng entrada nag ka salubong kaya naman hinayaan ko na mauna na siya.
"May kasama ka?" Tanong niya, mukhang interesadong interesado sa akin.
I frowned.
"Ang Mama ko po, and'yan lang sa labas," Mahinahong sagot ko.
"Ah ganun ba? Pwede mo ba ako samahan patungo sa palengke?"
Tumingin ako sa 'kanya. Parang hindi maayos ang katayuan niya, parang gulong gulo ang ekspresyon at hindi alam ang gagawin. Nasa labas lang ang palengke kaya bakit siya nagpapasama?
"Uh..."
"Sige na, apo... Ilang beses mo na ako iniwan, hindi na tayo nakakapag bonding.." Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya kaya nag panic ako. I held her hand and shook my head.
"Lola, hindi po ako ang apo niyo pero—"
"Ano ba, Kristine! Itatago mo pa rin ang apo ko sa akin?"
YOU ARE READING
Rhymes of Promises (ON-GOING)
Romance[GXG] In a serendipitous twist of fate, two young women, who share a deep bond and a shared desire for success, find their paths intertwined in unexpected ways. Despite their best intentions and unwavering support for each other, they are soon faced...