Rhymes of Promises: 7

0 0 0
                                    


Chapter 7

"Napaka plain stupid niya! Nakakainis!" Rense ranted.

Nakatingin kami sa kanya, tinitingnan ang pabalik balik na lakad niya mula sa kanan patungo sa kaliwa. She's irritated, hindi malaman ang gagawin para kumalma at huwag isipin ang iniisip niya. She even threw the lemonade that Yscha gave her earlier sa sobrang frustration niya!

"Sino na naman ba ang kaaway mo?" Tanong ni Kenny na kararating lang, Liz still in class kaya hindi namin kasama.

"Si Kyla! Masyado siyang nagpapa bida akala mo walang mali sa buong pagkatao niya!" Rense continued.

I drank my lemonade. Bigay din 'yon ni Ysa sa akin. I shrugged and stood, kanina pa tulala si Beck, mukhang mas malaki ang problema niya kesa kay Rense. I sat beside him while they are in discussion now with the topic "Rense's pabidang classmate".

"Nakapag usap na ba kayo ni Enicka?" I asked.

He looked at me and I could see the depth of eye bags under his eyes. Hindi ba siya natutulog? I stared at him, he doesn't look energetic like before...before Enicka and Beck go in the same jeep. After no'n ay hindi ko pa nakikita na naging energetic ang isang 'to. Ganun ba nakakaapekto 'yon?

"Yes... I told her not to force it anymore." panimula niya.

"I don't want her to settle for less... hindi niya deserve 'yon, ako. She wants to fight for it, to still fix it pero paano kung suko na ako? I can't handle the toxicity that it suffocates me."

I sighed and held his hand.

"I don't think you're ready for that relationship, Beck."

I couldn't say anything to him because unlike my friends, I don't have many words of wisdom. Hindi ako ganun at hindi ko alam bakit, hindi rin ako magaling sa mga advises pero bumabawi naman ako gamit ang aksyon, hindi ko sila iniiwan at pinaparamdam ko ang presensya ko dahil sometimes, mas okay na nararamdaman nila na hindi sila nag-iisa, na may masasandalan sila.

"I'm fine. Nagyaya uminom kanina si Kenny," aniya.

I rolled my eyes at him. He chuckled but it's empty... something empty is on him. Hindi maganda 'yon at ayoko no'n. Beck isn't like this, he should not feel this way.

"Tapos 'yon nga nung tinanong ko sabi ba naman, "nag checheck lang ako, ayan nakalagay dito oh!" E kasi tama naman ako! Tama 'yung sagot ko pero hindi ko alam bakit niya minali!" Ani Rense, galit na galit.

"Bat nagagalit?" Tumatawang ani Ysa.

"Guys, guys, need ko na mauna, baka hinahanap na ako ni coach." Pagpuputol ko sa kanila.

They looked at me and nodded. I said my goodbyes, Beck wants to go with me but I told him to stay dahil hindi ko naman siya masasamahan kapag nag start na kami sa audition at mag sunod sunod 'yon, ayoko na ma left out siya kaya mas okay ang maiwan siya kina Rense.

"Sige na, I don't mind waiting for you..." ani Beck.

I rolled my eyes.

"Manahimik ka, Beck. May mga hindi magandang iniisip ang isang tao when you're heart is angry and when you're alone." I said as a matter-of-factly.

He pouted. Ginulo ko ang buhok niya.

"Angry heart my ass. Sige, pero pupunta ako mamaya sa 'yo, ano gusto mong food?" He asked.

I smiled. "Potato corner, same flavor and milkshake!"

He nodded while I waved my hand at him. Lumakad na ako patungo sa studio, may mga tao na ro'n dahil magsisimula na din ang audition after an hour. Pumasok ako sa loob dala ang tumbler ko, nilagay ko na kasi ang bag ko sa locker, katabi 'yon ng powder room.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now