Rhymes of Promises: 16

0 0 0
                                    


Chapter 16

"Am I not better than Yscha?"

"Ikaw babae ka, ang landi landi mo!" Sigaw ng babae sa pwesto namin.

The next thing we knew, may babae na galit na galit na papalit kay Yscha! Agad kaming tumayo para ilagay si Yscha sa likod namin, nangunguna sina Beck at Kenny do'n at tsaka ko lang nakita ang kausap ng babae... it's Hares! My eyes grew bigger!

"Stop it, Khur." Suway ni Hares gamit ang malamig na boses.

"Chill, anong kailangan mo sa kaibigan namin?" Maangas na ani Rense na nakikibelong sa harapan kasama ang mga lalaki, hinawakan ko ang kamay ni Yscha na nasa likod ko at mukhang hindi makagalaw sa gulat.

"Malandi 'yan! Hares and I were talking for about a month tapos—tapos! Argh! Umalis ka sa likod ng mga letse mong kaibigan, Yscha Elle! Harapin mo ako!" Ani nung Khur!

Aba!

"Hoy! Anong letse? Ni hindi nga ako kumakain ng leche flan tapos-"

"That's a lame joke, Rense." Putol ni Beck.

"Manahimik nga kayo! Huwag niyong takpan 'yang kaibigan niyo na malandi—"

"Why don't you ask yourself first if you're what Hares is looking for?"

Agad na tumigil ang lahat ng hawiin kami ni Yscha at mataray niya na tinanong 'yon sa Khur. I crossed my arms over my chest, now, nakabawi na ang kaibigan ko. Nakita ko naman na bahagya pa nagulat si Hares sa biglang pag tanong no'n ni Yscha.

"A-Ano—"

"Khur, even your name doesn't agree with that face of yours. Ako ang sasabihan mo ng malandi? Kung hindi mo matali 'yang si Hares sa leeg, hindi ko na kasalanan 'yon. I didn't even know that he was talking to you. Instead of blaming me, why don't you blame your man? Siya ang nag sinungaling, siya ang—"

"Hey, I'm not her man, Yscha, and you know—"

"How dare you cut me off?!" Yscha's voice thundered when Hares cutted her. I can't help but chuckle
silently!

You don't even want to mess with Yscha Elle.

"Kapag kasi nagkamali ang lalaki niyo, sa iba niyo sinisisi. Why don't you try fixing it the right way? At ikaw Hares, 'wag na 'wag kang lalapit sa akin!" Ani Ysa at nag walk out.

Rense whistle. Hinatak ko siya habang si Beck at Kenny ay nagkibit balikat. I saw how Haresco's jaw clenched. Hawak ko si Rense dahil ang daming kalokohang alam! Inaasar pa e mukhang badtrip na nga. 'Yung Khur naman ay mukhang iiyak na, nag walk out din pag alis namin.

"So you didn't tell us that Hares is talking to you!" Rense started.

"Kasamahan 'yon ni Cianne sa Le Quinn 'di ba?" Lizzy asked.

I nodded. Tumingin ako sa tulala na si Ysa.

"Ano ba nangyari?" Kenny asked.

"Nakakabigla 'yon," I commented.

"Ako rin na nabigla. Well kasi hindi ko naman akalain na ganun! Hares and I have been talking for like a while now. Nagkakilala lang naman kami dahil... dahil kapitbahay namin sila at gumaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam na may kausap siya na iba at mas lalong hindi ko alam kung ano ba kami!" Inis na ani Ysa.

Nagkatinginan kaming mag ka kaibigan.

"'Yan ang hirap e, walang proper talk! Hindi alam kung ano nga ba kayo, kung may label ba o kung may hinihintay ka! Ni hindi makipag communicate ng maayos!" Bigla naman sang ayon ni Rense.

Rhymes of Promises (ON-GOING) Where stories live. Discover now