Chapter 5

156 15 8
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

It's been 2 weeks since I got here. Hindi ako masyadong nakapag sulat dahil palagi akong pagod. Bakit nga ba ako pagod? Well, let's just say that Auntie Ravina made me her assistant. Kung saan- saan siya pumupunta at palagi kaming gabi ng nakakauwi.

Ang weird lang dahil saktong 6p.m kami dumarating sa bahay. May wall clock kasi sa hallway papuntang sala. Nasabi ko na ba na ang sala ay nasa kanan. Ang laki nito at tanaw ang garden mula sa malaking bintana.

Let's go back to our topic. Palagi akong sinasama ni Auntie Ravina sa palengke. She has this small tailor shop. Sikat iyon sa buong lugar kaya busy rin talaga.

May nakausap akong isang worker ni Auntie Ravina sa shop niya and she told me that Auntie barely visits the shop, not until now na dumating ako. Call me presumptuous but I guess inilalayo nila ako dito sa bahay.

Alam kaya ni Auntie Ravina na humahanap ako ng way para makapunta sa third floor? Si Mang Martin lang naman ang nakakaalam, base sa pagkakaalam ko.

Ano ba kasing meron sa third floor at tila bawal ang umakyat dito. My curiosity, I can't tame it. Nangangati ako dito.

Anyway, pupunta kami ngayon sa Tailor Shop. May surpresa raw sakin si Auntie Ravina. Tingin ko damit iyon, ano pa ba? Let's see.

*
*

"Na-occupied ka ba sa diary?" Gulat kong tinignan si Auntie Ravina. "I'm sorry kung pumasok ako ng walang paalam. You look busy and I don't want to interrupt."

Kahit na uncomfortable ako dahil hindi ko siya napansing pumasok ng kwarto ko, I smiled. "It's fine. Tapos na naman na akong magsulat."

She's sitting on my bed. She tapped the huge space next to her, sign na pinapa-upo niya ako sa tabi niya. Iniwan kong nakapatong ang notebook ko bago siya lapitan.

Pagka-upo ko ay hinarap ko siya. She's smiling and begins to stroke my hair using her fingers. It feels...great. Mom used to do the same thing when I was a kid.

Huminto si Auntie Ravina at hinawakan ako sa pisngi. "You know, you're a very beautiful young lady. Today is your 20th birthday. The day that you'll leave your teenage years behind," huminto siya at ngumiti. "Napakaswerte ni Rico at nagkaroon siya ng anak na katulad mo, iha."

Biglang may tumulong luha sa mga mata niya pero agad niya itong pinunasan. "Tara na at baka mamaya ay saraduhan ako ng sarili kong shop!" Tumayo siya at agad na lumabas.

Tinatago niya ang emosyon niya. Hindi ko rin naman alam kung paano ako magre-react. Dapat ba ay niyakap ko siya? Or kahit may sinabi man lang to make her feel at least a little better?

Nakasunod lang ako sa kanya, hindi ko maiwasang tignan ang third floor, walang pinagbago, nakasara pa rin ito. Hanggang sa makalabas kami ay may kotse na naghihintay.

"Si Mang Martin ang magmamaneho?" Tanong ko kay Auntie Ravina.

Pinag buksan siya ni Lola Abi ng pinto ng kotse. "He is," tanging sagot niya lang sakin. Umurong siya ng bahagya sa kabilang upuan para makaupo ako.

Nang makapasok ako sa kotse ay isinara ni Lola Abi ang pinto. "Thank you po," pagpapasalamat ko dito at umupo. Tumango lang siya at ngumiti.

Agad na pinaandar ni Mang Martin ang sasakyan. Hindi ko alam na marunong pala siyang magmaneho.

"Ilang beses lang naman akong nabangga pero matagal na iyon. Ano pa't matututo ka nang walang hirap, hindi ba?" Saad ni Mang Martin at mahinang tumawa. Alam kong nagbibiro lang siya pero hindi nakakatuwa kapag nangyari na.

"Ikaw talaga Martin. Just focus on the road," mahinhing saad ni Auntie Ravina dito.

"Yes, Madame." Nawala ang mga ngiti sa labi ni Mang Martin. Sumeryoso siya bigla. Baka Auntie Ravina ko iyan.

Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe namin dahil may short-cut na dinaanan si Mang Martin. Hindi dito dumadaan ang dating driver namin. Hindi ko kilala ang driver namin nitong mga nakaraang araw, tahimik lang siya kaya ang hirap mag umpisa ng usapan.

Ilang saglit pa ay natanaw ko na ang mga tao, mga bahay, mga tindahan, at ang nagiisang Tailor Shop ni Auntie Ravina. Pumarada si Mang Martin sa gilid ng shop at unang pinagbuksan ng pinto si Auntie Ravina, sumunod ay ako.

Papasok pa lang sana ako ng shop nang pigilan ako ni Auntie Ravina. "Darling, stay outside for a while. May aasikasuhin lang ako sa loob, okay?"

"Okay," simpleng sagot ko.

Mabuti na lang at may mahabang upuan dito sa labas ng shop kaya doon muna ako tumambay. Hinanap ng paningin ko si Mang Martin, he's having a chit chat with other people.

I'm glad I brought my phone with me.

Oh my god! May signal! Finally!

Agad kong binuksan ang messenger. Messages agad ng mga kaibigan ko ang bumungad sakin.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon