Chapter 6

125 11 8
                                    

Chaka Dolls💅

Oct 30, 2019 | 9:58 PM

Melody
Wala pa ba siya?

Cally
Naku!

Buhay pa kaya yon?

Melody 
Bunganga mo Cal! 

Cally
Joke lang, eh

Alam naman nating matagal mamatay ang masamang damo😆

(Seen by Melody, Sebastian, Vivianne)

Friday | 1:32 PM


M

elody
Wait!

O m g!

Is this for real?

Online ang Viv niyo waaaa

Vivianne
Buhay pa ang pinakamaganda niyong kaibigan 

Kamusta??

(Melody Reacted 😠 to your message)

Melody
Anong kamusta? Ikaw ang kamusta?!

Gusto mo kambal na sampal?

@Sebastian @Cally

May nagbabalik!

Vivianne
Namiss mo lang ako, eh yieee aminin

Cally
You're alive! I knew it!

Sebastian > replied to Cally's message
Pinatay mo naman agad, Cal.

Welcome back, Viv. Anong  nangyari sayo?

Tagal mong offline, ah.

Cally
Trueeee

Alam mo ba na muntik na akong magpaskil ng pagmumukha mo sa kalsada?

(You Reacted 😆 to Cally's message)

Vivianne
Okay lang ako😌

Medyo boring lang dito pero nakapag settle naman na ako.                                                                                  


Melody
Paanong settle?

Hoy babae hindi ka titira diyan, diba?

Vivianne
Hindi gaga! Hahahaha

2 months lang ako dito.

Cally
Akala mo ba limot na namin kung anong araw ngayon?

Melody
Ikaw lang naman ang magb-birthday sa araw ng mga pataaaay!

Bihira mo yon. Kinuha ang iba tapos ikaw ipinanganak.

Sebastian
Happy birthday Viv🥳🥳🥳

Melody
HAPPY BIRTHDAAAAY TO THE MOST PRETTIEST AND GORGEOUS HUMAN BEING THAT I KNOW MWA MWA!!🥳🥳

(Melody sent a sticker.)

Cally
Happy birthday Viv!! 

Ang tanda mo na tapos wala ka pang jowa!

Mamamatay ka nang virgin! HAHAHAHA

(You Reacted ♥️ to Melody's message)
(You Reacted ♥️ to Sebastian's message)
(You Reacted ♥️ to Cally's message)

Vivianne > you replied to Cally's message
At least maganda! Hahaha akala mo ikaw meron

Salamat my favorite creatures! 

Feeling ko talaga ang tanda ko na.

Melody
So, ano pa lang ganap diyan?

Sebastian
Oo nga

Kwento ka naman

Vivianne
Wala naman masyado bukod sa ang creepy ng lugar.                                                                             

Something's bothering me since I got here

Sebastian
And what is that?

Cally
Anyway, nag message ako sa dad mo kasi hiningi ko location mo so we can visit kaya lang hindi pa siya nagrereply

Melody > replied to Cally's message
Mamaya na yan! 

Go ahead Viv kwento mo na. 

Vivianne
Wala naman

Namiss ko lang kayo

Cally
Ako lang ito😌

Char! HAHAHA

Melody
Miss na miss ka na rin namin lalo na iyang mga chika mo

Nanghihina ako. I need chika!

Vivianne
I have to go now. Message ko na lang kayo bukas or next day.                                                                               

Wala kasing signal sa bahay

Cally
Go na Viv!

Sebastian
Take care, ah and happy birthday ulit!

Melody > replied to your message
Ano ba bahay niyo? Ilalim ng lupa?

Kidding! Sige ingat kaaaa!

Vivianne

Mansion, sis sa gitna ng gubat HAHAHA

Bbye naaa. Ingat din kayo🥰


Gusto kong sabihin sa kanila kung anong bumabagabag sa akin pero baka mag alala lang sila kaya huwag na. May pumipigil din kasi sakin. 

Pinatay ko na ang phone ko nang lapitan ako ni Auntie Ravina. Malaki ang mga ngiti niya. "It's ready."

Ready ang ano?

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon