Chapter 21

91 8 0
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

         I'm on my way to the Tailor Shop. Nag request ako kay Mang Martin na ihatid ako at pumayag naman siya.

        Wait– let me repeat that. I am supposed to be on my way to the Tailor shop kung hindi lang ako nawalan ng malay. Yes, for the second time. 

        Nawalan ba ako ng malay kagabi o sadyang nakatulog lang ako? Hindi ko na maalala. 

        Hindi ako pinapalabas ni Auntie Ravina ng kwarto ko. Kanina ko lang natitigan ng mabuti ang sarili ko sa salamin. Sobrang laki ng pinayat ko pero hindi iyan ang nagpakaba sakin.

        May mga bruises ako, may mga kalmot, at pasa na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi ko rin naman sila maramdaman. Normal lang ang pakiramdam ko.

        Kumpleto naman ako ng kain, laging umiinom ng tubig. Anong pwedeng dahilan ng mga sugat at pasa ko? 

        Iyong mga kalmot, it scares me. I don't know para kasi siyang sa mga horror movie. May kalmot ako sa kanang balikat ko pero hindi ganoon kalala, pagaling na nga, eh. Pero iyong nasa tagiliran ko, nakakatakot.

        Wala ring nababanggit sakin si Auntie kahit ang mga maids na may mga sugat at pasa pala ako. Hindi ba nila napapansin? O ayaw lang nilang pansinin?

         I need to see Dad. I need to talk to him. I want to get out of here but before that I want to know who's on the third floor. I am dying to know. Ewan, ang laki ng hatak niya sa curiousity ko.

*
*

Inagaw ng pintuan ang atensyon ko ng may kumatok dito. Inulit niya pa ito sa pangalawang pagkakataon. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko para tingnan kung sino ang kumakatok pero natigilan ako nang mapansin ang piraso ng papel na nasa paanan ng pinto. 

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon