Chapter 13

95 10 5
                                    

"Is this the place?" Tanong ko kay Lila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Is this the place?" Tanong ko kay Lila. "Hindi ko alam na may playground pala dito."

Umupo si Lila sa isang duyan. "Pinapanatili ni Madame ang kaayusan nitong parke kahit wala namang gumagamit."

"Sino ba naman ang gagamit nito, eh nasa gitna ito ng gubat. Tignan mo nga oh." Itinuro ko ang mga nagtataasang mga puno sa hindi kalayuan. "Walang matinong bata ang pupunta dito," dagdag na saad ko.

Umupo na rin ako sa isang duyan na malapit kay Lila. I checked it first dahil baka marumi pero hindi naman kaya umupo na ako. 

"Walang ibang nakakaalam nitong lugar. Hindi ko nga alam kung may balak si Madame na ipaalam sayo," aniya sabay tayo. Pumunta siya sa harap ko kaya tumingala ako para matignan siya. "Marami ka pang hindi alam sa mansion, pati na rin sa paligid nito."

"Like the third floor?" Natigilan siya sa tinanong ko. "May alam ka ba sa third floor?" Muling tanong ko sa kanya.

"W-Wala. S-Sinabi ko na sayo na never pa akong nakaka apak doon," nau-utal na sabi niya bago maglakad palayo. 

"Wait!" Tawag ko sa kanya pero nag patuloy pa rin siya sa paglalakad. "Lila!" Bumuntong hininga ako dahil sa pagkadismaya. She left me here for real.

Well, this place is quiet and I can hear birds from a distance. I like it here kahit hindi kadali ang pagpunta. 

Sa naaalala ko we left the house at 3pm. Wala akong watch kaya hindi ko alam kung anong oras na. Tirik pa naman ang araw kaya for sure na maaga pa.

"Hi"

Muntik akong mahulog sa inuupuan ko nang may biglang nagsalita. 

"Ugali mo ba talagang mang gulat? Dati ka bang kabute?" Naiinis na saad ko dito.

"Sorry. Hindi ko alam na magugulatin ka pala," aniya at umupo sa duyan na inupuan kanina ni Lila.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ang sabi ni Lila ay wala ng ibang nakakaalam ng lugar na ito bukod sa kanila at sakin na rin.

"Narinig ko kasi boses mo kaya nilapitan na kita," aniya at ngumiti.

"So, narinig mo kaming nagu-usap ni Lila kanina?" Tanong ko ulit. 

"Hindi. Narinig kong sumisigaw ka. May tinatawag ka yata pero mukhang hindi ka pinansin," sagot niya na nagpakunot ng noo ko. "Bakit? Wala ka kasing kasama kaya sigurado ako na hindi ka pi–"

"Oo na! Ako na ang in-ignore," iritang saad ko. 

"Ang bilis mo namang maiinis…nahahawa ka na siguro sa mga tao sa mansion,* bulong niya.

Tinignan ko siya dahil hindi ko masyadong maintindihan ang huli niyang sinabi. "Mabilis talaga akong mainis since birth!" Tumayo ako at sumandal sa hagdan ng slide. 

"Alam mo kahit naiinis ka ang ganda mo pa rin."

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. To be honest, I don't know what to say. 

"Vivianne!"

Oh god. 

"Si Auntie na yata iyan. Alis na ako," aniya at tumayo pero bago siya maglakad palayo ay tinignan niya muna ako. "Hindi mo kailangang sabihin sa kanila na nakakausap mo ako. Matanda ka na, Viv. You have your own life and decisions," saad niya.

Pinagmasdan ko ang imahe niyang maglaho sa mga puno. 

"Vivianne!"

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon