Chapter 26

91 8 0
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

         After kong mabasa ang sulat ni Lila ay lalo akong ginanahan na makapunta sa third floor and everything paid off dahil may natuklasan akong daan.

         Sa office ni Auntie Ravina ay may hidden room. Paano ko nalaman? Wala, pakiramdam ko lang. Nakita ko kasing may dala siyang susi tuwing papasok siya sa kuwartong iyon. Ang sabi ni Lola Abi ay office daw ni Auntie iyon at siya lang ang pwedeng pumasok.

         Nandoon daw kasi ang mga disenyo na ginagawa mismo ni Auntie. Mga damit, ganon. Pero ilang linggo na lang ako dito kaya ano pa bang sasayangin ko, diba?

         Kailangan ko lang iyong susi and then okay na. The rest? Bahala na. Actually, hindi ko alam kung paano ko kukunin ang susi ng hindi napapansin ni Auntie Ravina.     

*
*

Mabilis pa sa kisapmata kong isinara ang notebook ko bago harapin si Auntie. Seriously? They don't know how to knock?

"Do you wanna go with me to the shop today, darling?" Kalmadong saad niya habang nakangiti. 

"Sure, Auntie," saad ko at tumayo.

Tumango lang siya at tsaka lumabas ng kwarto ko kaya sinundan ko siya. As usual ay si Mang Martin ang maghahatid sa amin doon.

"Need mo po ba ang tulong ko, Auntie?" Inosenteng tanong ko sa kaniya.

Nauna siyang pumasok ng sasakyan sumunod ay ako. "Wala naman. Baka kasi bored ka na sa mansion at tsaka ayaw mo bang subukang manahi o kaya ay gumawa ng sariling mong disenyo?"

"Wala po akong hilig sa fashion, eh." Never siyang pumasok sa interes ko. 

"Oh come on. Just try." Hinawakan ni Auntie ang kamay ko at ngumiti.

It feels great, comforting kaya hindi ko maiwasang mapangiti na rin. "Sige po," pagpayag ko. Wala namang mawawala kung susubukan kong humawak ng karayom at sinulid.

Nang makarating kami sa Tailor Shop ay dumiretso ako sa fitting area. "Auntie, nandito pa po ba iyong hinubad kong pants nung birthday ko? I left my phone in one of the pockets," tanong ko kay Auntie na lumagpas sa pinto ng fitting room.

"Ah yes! It's on the drawer to your left, 2nd from the top, darling."

"Thank you!" Dali dali kong nilapitan ang drawer na tinutukoy ni Auntie at binuksan. Cellphone ko agad ang bumungad sakin.

"Seriously? 15% na lang?" Napaupo ako sa malapit na sofa dahil sa pagkadismaya. Pa-lowbat na siya tapos hindi ko pa dala ang charger. 

Binuksan ko ang phone ko. Halos mag hang ito dahil sa sunod-sunod na messages mula sa group chat namin ng mga kaibigan ko.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon