Chapter 18

95 10 2
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

I did it! Though feeling ko ay magkakasakit ako dahil sa sobrang lamig but anyway. Here's what happened.

After ng dinner ay nanghiram ako ng kapote kay Lola Abi. Hindi na siya nagtanong pa kung para saan o kung saan ako pupunta. Naka ready pa naman na ang dahilan ko.

Hinintay kong mag-alas diyes para siguradong tulog na silang lahat lalo na si Auntie Ravina. Bago lumabas ng bahay ay nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ako o hindi dahil sa lakas ng hangin at umuulan pa.

But I did. Ilang beses pa akong muntik nang madulas sa hagdan at bubong pero dahil ginusto ko naman iyon, at tsaka nandoon na ako.

Medyo nahirapan lang ako sa pag akyat sa bintana pero nagawa ko naman. Pagpasok ko ay hindi ko na hinubad ang kapote ko at nagpatuloy lang.

Narinig kong nag uusap si Lola Abi at Lila. Tahimik ang buong bahay kaya rinig ko iyon. Tinignan ko sila mula sa terrace nitong third floor. Legit na napamura ako, mahina lang naman ng makitang nasa tapat sila ng kwarto ko.

Kakatok sana si Lila sa kwarto ko nang magtama ang mga mata namin ni Lola Abi kaya agad akong napa upo para magtago. Narinig ko kung paanong mag dahilan si Lola Abi kay Lila na huwag na raw akong istorbohin dahil baka tulog na ako.

Ang dami ko ng utang kay Lola Abi. For sure madadamay siya sa mga pinaggaga gawa ko kapag nalaman ito ni Auntie Ravina.

Nang marinig ko na bumaba na sila ay tsaka ako tumayo at sinilip sila. Papunta na sila sa kusina which is nandoon ang daan papunta sa mga kwarto nila.

Agad kong nilapitan ang pinto. Ewan ko ba, is this how really feels kapag curious ka? Nawawalan ka ng pake sa mga pwedeng mangyari.

Kinuha ko ang ballpen at papel ko sa bulsa. Binalot ko talaga iyon ng plastic just to make sure na hindi siya mababasa.

I decided not to knock dahil na rin sa huling letter na natanggap ko mula dito. So, I wrote something on a piece of paper at ipinadaan ito papasok sa ilalim ng pinto.

I remained silent while waiting. Hindi ko isinuot ang relos ko dahil nga umuulan. Hindi kasi waterproof iyon kaya I don't have any idea kung anong oras na.

There's a clock from the first floor but I can't see it from here. That's fine, I can wait naman.

After a couple more minutes ay napangiti ako ng may piraso ng papel ang bumulusok palabas mula sa pinto. Pero napawi rin ang mga ngiti ko ng mabasa ang nakasulat dito.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon