July 6, 2006
Dear Ravina,
This will be the last time that you'll hear from us. I know it's hard, I lost a wife and my daughter lost her mother. I know it's hard for you too but we have to cut ties at least for now.
Sinabi sakin ni Ophelia na sinira mo na ang kwintas. Ang huling habilin niya sa akin ay bisitahin ka kasama si Viv bago ang 20th birthday niya para masigurado na ginawa mo nga ang ipinangako mo.
For now it is safer kung hindi muna tayo nagkakaroon ng kahit anong komunikasyon. Sinabi sa akin lahat ni Ophelia.
Bawat araw ramdam ko ang pagbabago sa sarili ko. I wanted to make sure na safe ang anak namin ni Ophelia mula sayo.
I'm sorry, Ravina pero nangako ako na p-protektahan ko ang anak namin. Sana ay maintindihan mo.
Sincerely,
Rico
*
*Alam ni dad lahat? How come he didn't tell me? At bakit kamukha niya si Keres?
So, this was planned? Anong sinasabi ni dad about sa kwintas? Ito bang suot ko ang tinutukoy niya? Do I have to break this?
Tinanggal ko ang pagkaka kawit ng kwintas sa leeg ko at inilapat sa palad ko, pinagmasdan ko ang naggagandahang disenyo nito bago bitawan.
Paulit-ulit ko itong inapakan pero walang nangyayari. Kinuha ko ang sewing machine sa hindi kalayuan at ibinagsak dito.
Ang mga bakal na nagdurugtong dito ay nasira na naging dahilan para magka hiwa-hiwalay ang dyamante sa kwintas.
Napangiti ako at tiningnan ang mga mannequin na nanonood sa ginagawa ko pero nang ibalik ko ang tingin ko sa kwintas ay buo na ulit ito.
"You see that, right?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa mga mannequin.
Muli kong dinampot ang kwintas at dismayadong pinagmasdan ito. Kung gawa ito sa diamond ay wala akong magagawa rito.
Is it a diamond? Itinapat ko ang kwintas sa liwanag, it is clear, as far as I know diamonds aren't this clear.
Wait– "May alam fireplace hindi kalayuan dito. Meron sa cabin," saad ko at nilapitan si Lola Abi. Gumawa siya ng mahinang ungol. "I will come back, I promise."
Iniwan ko ang Tailor Shop na nagbabakasakali na may magagawa ito.
Sa gubat ako dumaan, nakakatakot dito pero mas natatakot ako sa kung anong pwedeng lumabas dito. "Please Lord no creatures from hell, please, please," paulit-ulit na bulong ko habang mabilis na naglalakad.
Hindi ko alam kung saan ako papunta pero kusang kumikilos ang mga paa ko. Kapag may naririnig akong huni ng ibon ay nagtataasan lahat ng balahibo ko sa katawan.
Nagmumukha na akong paranoid dito dahil kada kaunting ingay na naririnig ko ay tumatakbo ako, walang lingunan pabalik.
Nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ang gasera na nakasabit sa puno. Pataas na si Amang Araw kaya kahit paano ay naaninag ko na ang dinaraanan ko.
"Ay hayop–" tinakpan ko ang bibig ko habang tinitignan ang katawan na nasa lupa.
Nanlambot ang buto ko sa tuhod kaya dali-dali akong tumakbo at pumasok sa cabin. Isinara ko ang pinto at kinandado.
"Hindi ko manlang naitanong ang pangalan niya," mangiyak-ngiyak na bulong ko.
Agad akong pumunta sa may fireplace pero nakapatay ito. May posporo at gasulina sa gilid pero walang kahoy.
Do I need to go outside again?
Tinahak ko ang kahoy na pintuan. "Inhale, exhale." Bago buksan ang pinto.
You know what's worse than seeing a dead body? Kapag wala na siya sa kung saan mo huling nakita.
BINABASA MO ANG
Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)
TerrorIn writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person? You never see him, never hear him. How can you trust the person behind the closed, old, creepy door? Vivian...