Ini-upo ako ni Auntie Ravina sa harap ng malaking salamin bago naglabas ng kung ano-anong uri ng pampaganda mula sa drawer.
It took like maybe an hour bago siya ma-satisfied sa itsura ko.
"Look at you, darling," aniya habang ang laki ng ngiti na nakatingin sakin.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I look…unnatural but pretty. I can't help but to smile.
Naalala ko noong 7th birthday ko. Mom put makeup on my face and I end up looking like a clown but I love it. For me that day, I am the prettiest girl in the whole world.
"Do you like it?"
"Yes! Yes Auntie, I like it." Tumayo ako para yakapin siya. "Thank you."
"Hindi pa iyan. Come here." Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinila ako sa fitting area. "Before that." Ini-harap niya ako sa kanya. May inilabas si Auntie Ravina na piraso ng tela. "Close your eyes, darling."
Pumikit ako kasunod non ay ang pakiramdam na may itinakip si Auntie Ravina sa mga mata ko. Hinawakan niya ako sa kanang kamay at inaalalayan sa paglakad.
"Stop!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya kaya napahinto ako.
"What's happening?" Kinakabahang tanong ko dito.
"Don't worry, darling. Trust me. It's a surprise," aniya. "Take your blouse off."
"Ha?"
"Don't worry dalawa lang tayo dito." Kahit nagaalangan ay ginawa ko ang sinabi niya. Pagkatanggal ko ng blouse ko ay kinuha niyo ito mula sa kamay ko.
Ilang saglit pa ay inutusan niya akong ilusot ng dahan-dahan ang paa ko sa isang damit, hindi niya sinasabi na damit ito pero alam kong damit ito, nahawakan ko, eh.
Inayos niya ito hanggang sa balikat ko. Ipina-tanggal niya rin sakin ang suot kong pants, mabuti na lang at nakasuot ako ng cycling shorts.
Naramdaman kong may itinatali siya sa likod ko, halos hindi ako makahinga sa higpit nito. Medyo nangangati rin ang braso ko dahil mukhang longs sleeve siya.
"Ready?"
"Yes," sagot ko at ngumiti.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko at isang napakalaking salamin ang bumungad sa akin.
Kusang gumuhit ang napakatamis na ngiti sa mga labi ko sabay ikot habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.
"Mukha akong prinsesa," masayang sambit ko.
"You are, darling. Do you like it?"
Hinarap ko si Auntie Ravina. "Are you kidding me?! This is everyone's dream! Sobrang saya ko! Thank you!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Huwag kang iiyak, ah. Sayang makeup mo," pabirong saad niya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap. Hinawakan ni Auntie Ravina ang pisngi ko. Nakangiti siya habang inililibot ang paningin sa buong mukha ko. "You're beautiful, Viv. Look at you," saad niya at muli akong iniharap sa salamin. "Today is your day kaya tara na! Baka naghihintay na sila sa mansion."
BINABASA MO ANG
Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)
HorrorIn writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person? You never see him, never hear him. How can you trust the person behind the closed, old, creepy door? Vivian...