Chapter 43

84 8 0
                                    

Dear Vivianne,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Vivianne,

         Alam kong wala kang naaalala sa mga nangyari kaya ginawa ko itong sulat na ito para sabihin sayo lahat. Mahihirapan ka mang intindihin pero sana ay huwag mong hayaang pangunahan ka ng emosyon mo.

         Nang matapos ni mama ang ritual ay ako ang pumalit sa kamalayan mo. Sobrang saya ko dahil ang tagal kong hinintay ito, na makasama ka ulit pero nang mahagip ng paningin ko ang pigura mo sa basag na salamin ay binalot ako ng takot at matinding galit.

          Hindi ko alam na ito ang plano ni mama. Kahit na alam kong matagal na niya itong ginagawa. Nanay siya, Vivianne pero nanay din ako kaya alam ko kung gaano ito kasakit. 

           Hindi kita kayang isakripisyo para sa buhay ko. Mahal na mahal kita, kahit sa maikling panahon lamang na nakasama kita ay ipinangako kong p-protektahan kita.

           Pangako, kahit kanino o ano.

*
*


Nanginginig kong inilapag sa lamesa ang sulat. Si mom ba ang nagsulat nito? Pero paano?

Dahan-dahan akong bumaba sa lamesa na kinahihigaan ko. Nawalan pa ako ng balanse dahil nanlalambot ang kalamnan ko.

Nakarinig ako ng tila may naglalakad sa labas ng pinto nitong kuwarto. Kahit madilim ay kita ko ang puting papel bumulusok mula sa ilalim ng pinto.

Agad ko itong nilapitan at dinampot bago muling bumalik sa lamesa kung saan ay may nakasinding kandila. 

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon