In writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person?
You never see him, never hear him. How can you trust the person behind the closed, old, creepy door?
Vivian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear Diary,
It feels real. I'm talking about last night. I saw a hand on my window, parang sinusubukan niyang umakyat o pumasok dito. Hindi lang siya basta kamay, it's long, pale, at kita rin ang buto.
Binangungot daw ako sabi ni Auntie Ravina, siya ang gumising sa akin kagabi. Narinig daw kasi ni Lila ang pag sigaw ko. Papasok sana siya sa kuwarto ko pero hindi niya mabuksan dahil naka-lock. Weird, I never locked my room since I got here.
Nang mahimasmasan ako ay walang ginawa si Auntie kundi ang sermonan ako dahil bakit ko raw iniwan na nakabukas ang bintana. Paano raw kung bigla akong tumalon dito bla bla bla.
I don't really want to write this but I'm bored. Ate Marie, I just met her today. Palagi silang magkasama ni Ate Sarah, mostly sa farm at garden kaya hindi ko sila masyadong nakakasalamuha. Si Lila at Tessa kasi ang naka assign sa pagluluto, paglalaba, plantsa, mga gawain sa loob ng bahay. Habang si Lola Abi ang nagmo monitor ng lahat mula labas hanggang sa loob ng bahay.
Speaking about Ate Sarah and Marie. Ate Sarah used to clean the dishes pero si Ate Marie na ang gumagawa non ngayon.
About Ate Marie, dahil nga hindi ako lumabas ng kwarto ko buong araw ay she's the one who took care of my needs. Siya ang nagdadala ng pagkain sa kwarto ko the whole day.
Nagkaroon kami ng kaunting oras para makapag usap. She's nice but a little serious. She comforted me and even gave me a cute teddy bear na ginawa kong display sa study table ko. Hindi ko maiwasang tumingin dito habang nagsu-sulat dahil kahit paano ay nawawala ang bigat ng pakiramdam ko.
Ate Marie told me not to get eaten by my emotion, nakita niya raw kasi ang takot sa mga mata ko habang nagu-usap kami. Am I that scared? I don't know, maybe.
It bothers me, panaginip lang dapat siya but until now nandito pa rin iyong takot na naramdaman ko. Hindi ganoon kalala pero may naiwan pa rin.
Iyong mga letters–
* *
Agad kong binitawan ang ballpen ko nang may narealized. Tama! The letters, may scribbled letters na nandoon pero hindi ko mabasa. Naaalala ko pa nga ang itsura nito.
"Parating na si…Parating na si…" paulit-ulit na sambit ko.
Tumayo ako at pabagsak na humiga sa kama. Nakikipag titigan ako sa kisame at sa maliit na chandelier na nandito. What if mahulog sakin 'yan?
"Ahhhh!" Malakas na hinampas ko ang kamay ko sa kama dahil sa inis.
Sobrang tahimik dito na pati ang tunog ng orasan ay naririnig ko.
Mabilis akong bumangon at pinakiramdaman ang paligid. Parang may naririnig akong naglalakad sa third floor.
Yes, concrete siya or whatever but I can hear a tud. Dali-Dali akong tumayo at lumabas. Tumayo ako sa terrace dito sa second floor habang nakatuon ang atensyon ko sa third floor.
"Auntie?" Mahinang bulong ko.
Kumaripas ako nang takbo pabalik sa kwarto ko nang akmang haharap siya sa direksyon ko. Agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko at sumandal dito. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko, isang beses lang naman akong nagkape kanina.
Saglit lang ito. Hindi ako sigurado kung si Auntie Ravina ba talaga iyon dahil ang mahabang white dress niya lang ang nakita ko pero alam kong siya iyon dahil siya lang naman ang nagsusuot ng ganon dito.
Pero anong ginagawa niya don? No! The huge question is how did she get in there? Lumulutang ba mga tao dito?
Napailing ako dahil sa mga naiisip ko. Lumulutang? Baka may hidden stairs somewhere?
Bumalik ako sa kama ko at umupo ng makarinig ako ng parang bell. Tinignan ko ang wall clock na nasa itaas ng pinto ng kwarto ko, dito nanggaling ang tunog. I never heard that sound before or maybe hindi ko lang napapansin dahil sa pagod.
Wait…Parating na si…it's not letters, those are numbers!
"7:59 pm." Hinintay kong gumalaw ang kamay ng orasan at eksaktong 8:00 pm ay huminto ang tunog ng bell pero may pumalit dito.