In writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person?
You never see him, never hear him. How can you trust the person behind the closed, old, creepy door?
Vivian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
✞︎ ✞︎ ✞︎
Naririnig ko ang ingay na ginagawa ng panulat ni Lila. Parang ang haba yata ng sinusulat niya. Essay ba iyan?
Lila Madame punished Lola Abi for helping you. Alam ni Madame, Viv. Alam niya lahat kaya mag-ingat ka.
Anong ibig mong sabihin? Mag-ingat saan?
Lila Hindi saan–kanino
Can't we talk about this tomorrow?
In person para magkaintindihan tayo nang maayos.
Lila Hindi puwede. Nakikinig sila.
Sinong sila? Alam mo may atraso
ka pa sakin nung iniwan mo ako
sa playground mag isa. Mabuti na sinamahan ako ni–
Binura ko ang huling isinulat ko dahil hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya.
Lila Sinamahan nino?
Seryoso? Nabasa niya pa iyon?
Wala. Someone that I met on my birthday.
Lila Lalaki ba?
Napangiti ako.
Yes. He's fun to talk to. He's fine don't worry.
Lila Nakatira ba siya sa isang cabin sa gubat?
Ang ngiti ko ay napalitan ng pagtataka.
Yes. Kilala mo rin siya?
Lila You can't
Halos hindi ko mabasa ang sulat na ibinigay ni Lila. Parang minadali ito at hindi kumpleto ang pangungusap.