Chapter 15

105 9 5
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

         I'm on my way to see if I can go to the third floor on my own. Yes, sarili ko lang. I had a bad dream last night. Para siyang totoo. 

         "Ladder" ayan ang nakasulat sa piraso ng papel na nasa panaginip ko. Naalala ko ang hagdan na nasa storage area. Hindi ko alam kung aabot siya sa balcony na nasa third floor but wish me luck.

          Desperado na ako, hindi ko na talaga kayang tiisin kung ano ang nasa third floor. It bothers me so much. Well, hindi naman ako masyadong magkakaganito dito kung sinasagot ng mga tao dito ang tanong ko.

          Sinundo ako ni Auntie Ravina kahapon sa playground. She's so calm but when we got home she began to shout at me. Sa sobrang inis ko ay umakyat ako sa kwarto ko dahil hindi ko kaya makinig sa mga nonsense na pangaral niya. It would works as well if she's calm but she's not.

           I don't know why? Why she's so controlling and overprotective. Hindi na ako bata. Tama ang sinabi ni–

*
*

Hindi ko pala naitanong ang pangalan niya. Kinagat ko ang dulo ng ballpen ko at nag isip. No, yeah…I forgot to ask him again. 

Ipinatong ko sa pahina ng notebook ang ballpen at isinara. Lunch na, maya-maya ay tatawagin na ako ni Ate Marie para bumaba sa dining area.

"Vivianne?" Speaking of Ate Marie. "Handa na ang hapunan. Sasabay ka ba?" 

Tumayo ako para pagbuksan siya ng pinto. Sinalubong niya ako ng matamis na ngiti. Weird, she never smiled at me before. "Sasabay po."

"Anong sinabi ko sayo sa po? Huwag ka ng mag po kasi nagtutunog matanda ako," aniya.

"Sorry, I forgot," sagot ko at lumabas na ng kwarto.

Sabay kaming naglakad ni Ate Marie papuntang dining area pero sa kusina siya dumiretso kasama ng iba pang maid.

Naghihintay si Auntie Ravina sa lamesa. Nang magtama ang titig namin ay nginitian niya ako. As usual ay may nakahanda ng upuan malapit sa pwesto niya para sa akin.

Ayaw niyang umu-upo ako sa malayo dahil pakiramdam niya ay wala siyang kasabay kahit hindi naman kami nagpapansinan kapag kumakain na. 

Pag upo ko ay humikbi siya na umagaw ng atensiyon ko. "Tungkol kahapon. I apologized, darling. I never meant to be mad," saad niya habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko.

"I understand," ani ko. No, deep inside? I don't. 

"I know you don't. Dapat nagpapaalam ka sakin kapag umaalis ka," aniya.

"Matanda na ako Auntie, hindi na ako teenager," mahinang saad ko, sapat lang para marinig niya.

"Paano kapag may gumawa ng masama sayo sa labas at wala akong kaalam-alam? Responsibilidad kita dahil nasa pamamahay kita," seryosong alintana niya.

Kumuha ako ng ulam at inilagay sa pinggan ko. "I'm at this point of my life na kapag may nagbalak kumidnap sakin I'll volunteer. I would be happy pa nga kasi, they only pick the very best girl, and that's me!" 

"Lila!" Here we go again.

Dali-daling lumapit si Lila sa direksyon namin. Nang makalapit siya sa puwesto namin ay saglit kaming nagkatinginan.

"Did you bring Vivianne to the playground?" Seryosong tanong sa kanya ni Auntie Ravina.

Ibinaba ko ang kutsara na hawak ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. 

"No, darling. Keep on eating," saad ni Auntie sakin bago muling tignan si Lila pero hindi ko na ulit hinawakan ang kutsara. Wala na nga kasi akong gana.

"Y-Yes, madame," nauutal na sagot ni Lila. She's scared, I would be too but I don't.

"Okay, that's all I need," ani Auntie sabay senyas kay Lila na umalis na. Nagmamadali kaming iniwan ni Lila. Tinignan ko si Auntie Ravina, ang seryoso nanaman niya. "I don't want to say this, Vivianne but you're living in my house, eating my food-"

Hindi ko na siya pinatapos at padabog na tumayo. "Breathing your air? Hindi ko ginustong pumunta dito." Kahit gusto ko siyang pagtaasan ng boses ay hindi ko ginawa. May respeto pa rin naman ako sa kaniya and she's right, it's her place.

Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako sa dining area. Narinig ko pang tinawag ako. "Leave me alone!" Sigaw ko pabalik nang makarating ako sa pinto nitong mansion. 

Dire-diretso ako sa storage area. Nagkatinginan pa kami ni Mang Martin. Good thing he doesn't care, parang siya lang yata ang matino sa lugar na ito. I still hate him but he never treated me as if I'm a kid.

Nasabi ko ba na minura niya ako nakaraan dahil naapakan ko ang bagong sibol na kamatis? Hindi niya ako pinagalitan o inutusan, nagalit lang siya at pinaalis ako. Aalis naman talaga ako kahit hindi niya ako paalisin. 

Nang makalapit ako sa pinto papasok ng storage area ay nahagip agad ng hagdan ang atensyon ko. Nasa gilid na siya ngayon, nakaraan ay nakalapag lang siya sa loob. 

Nilapitan ko ito. "Kaya ba ako nito?" Bulong ko. Mukha kasing marupok na at luma. Amoy kahoy na rin.

Hinawakan ko siya sa magkabilang gilid at sinubukang buhatin. "Hindi ka naman pala ganun ka-bigat," saad ko sabay malakas itong ibinagsak sa lupa. 

I'm amazed dahil hindi siya nasira. Hihilahin ko na lang siya papunta sa bahay, malapit lang naman. 

Pinagpagan ko ang kamay ko bago ito hawakan gamit ang dalawa kong kamay at sinimulang hilahin. Nandoon pa rin si Mang Martin sa puwesto niya kanina, nagbubungkal ng lupa. Tinignan niya lang ako ng saglit at umiling bago muling ibaling ang atensyon niya sa ginagawa niya.

Wala ang mga maid ngayon. Malamang ay nasa loob. Si Auntie Ravina lang naman ang inaalala ko. Ano kayang gagawin niya kapag nakita ako?

Binitawan ko ang hagdan. Bumagsak ito sa lupa na gumawa ng maingay na tunog. 

Tinanaw ko mula dito ang terrace na nasa third floor. Mukhang hindi ito abot doon, hanggang second floor lang siya. Sa bubong na lang ako dadaanan, kaya ko naman sigurong abutin ang railings sa third floor.

"Anong ginagawa mo?"

"Lola Abi?" 

Nilapitan ako ni Lola Abi. Mukha siyang naga-alala na nagagalit at hindi makapaniwala at the same time.

"Anong ginagawa mo?" Pagu-ulit niya sa tanong niya kanina. Hindi ako sumagot at tumingin lang sa third floor. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. "May iba pa bang nakakaalam?"

Nagulat ako sa tinanong niya. "H-Huh?"

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon