In writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person?
You never see him, never hear him. How can you trust the person behind the closed, old, creepy door?
Vivian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear Diary,
Yesterday was the best day of my life! My dream to be a princess came true. Isang araw nga lang but I reached it and I am content with that.
Hindi sinabi ni Auntie Ravina na isang buong barangay pala ang darating kahapon. Thanks to this place kasi malawak siya.
I had so much fun. Nakalimutan ko nga kung gaano ko kinaiinisan ang lugar na ito. Auntie Ravina showed me the whole place outside this mansion and yes, I am wearing my gown while walking around. Kahapon ko lang nakita kung gaano kaganda itong lugar at kasimple.
I also met a man yesterday pero tapos na ang celebration that time. Maybe 8 at night, lumabas ako para kunin ang mga bulaklak na binigay sakin ng mga bata kanina galing sa garden. He's kind and sweet.
Tinanong ko siya kung bakit wala siya sa handaan kanina, he said he just got home from his work and napadaan lang daw siya to greet me because he was invited the day before pero dahil nga sa trabaho niya ay hindi siya naka punta.
Medyo nahiya pa nga ako dahil nag-effort pa talaga siyang dumaan dito bago umuwi sa kanila. I hope I can meet him again.
* *
Inilapag ko ang notebook sa gilid ko at humiga. Why am I smiling until now?
"Viv, darling?" Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ang boses ni Auntie Ravina mula sa labas ng kwarto ko. Kumakatok siya kaya agad akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "I'm glad you're awake. May I?"
Tumango ako at tumayo sa gilid para makapasok siya. Umupo siya sa kama. May dala siyang box na kulay asul.
Umupo ako sa tabi niya pero nag-iwan ako ng space sa pagitan namin.
"Ano iyan Auntie?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa box.
Inilapag niya ito sa space sa pagitan naming dalawa at binuksan. Nangintab ang mga mata ko dahil sa laman nito. "Pagmamay ari ito ng mama mo noon. Dalawang beses niya lang itong sinuot, sa debut niya at sa kasal nila ng dad mo."
Pinagmamasdan ko ang kwintas na puro diamante. I am amazed by its beauty.
"She told me to give it to you, hindi ka pa pinapanganak noon. Do you want to try it?" Kukunin sana ni Auntie Ravina ang kwintas para isuot sa akin nang pigilan ko siya.
"Not now Auntie. Maybe isa sa pinaka espesyal na araw at tao sa buhay ko," saad ko at ngumiti.
Ibinalik ni Auntie Ravina ang kwintas sa kahon at isinara. Kinuha niya ito at ini-abot sakin na tinanggap ko naman. "Keep it, take care of it."
"I will, Auntie. Salamat!" Inilapag ko ang kahon sa kama para mayakap ko siya.
"Walang anuman, iha."
Akala ko ay walang maiiwan na ala-ala sa akin si Mom. But look, I have a part of her that I will treasure forever.
Gusto kong suotin ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Gusto ko na ang magsu-suot sa akin nito ay ang taong magiging parte ng buhay ko until death, kung meron man.
Nang makaalis si Auntie Ravina sa kwarto ko ay muli kong pinagmasdan ang kwintas bago ito itabi sa isa sa mga drawer.
Nahagip ng paningin ko ang bintana kaya lumapit ako dito. Ngayon lang ako tumingin dito. Hindi naman pala ganoon kalapit ang mga sanga ng puno sa bintana ko. So, paanong nakakarinig ako ng tap tuwing gabi?