Chapter 12

110 10 0
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

         Good morning. Joke! Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I don't know, I hate making someone mad. Alam mo iyon?

          Nagalit sakin si Auntie Ravina kagabi. She told me that she cares and doesn't want something bad to happen to me. Nangako raw kasi siya kay Dad na iingatan ako. I didn't do anything wrong.

           Weird, actually. Auntie Ravina told me not to talk with anyone. I asked her why? She said dahil wala raw matinong tao na lalabas ng ganong oras. So, hindi ako tao? At tsaka 8pm maaga pa naman iyon, ah. 

           But there's one thing na sinabi sakin ni Auntie Ravina na tumatak sa utak ko. 'Do I know his name?'  The guy na kausap ko kagabi at noong birthday ko. I never got to know his name. Never pumasok sa utak ko na itanong. Ang unfair kasi alam niya ang pangalan ko. At isa pa, nakita rin pala siya ni Auntie kagabi. Siya kaya? Si Auntie kaya ang tinignan niya kagabi? Whatever.

           Nasabi ko ba kung gaano ako sigawan ni Auntie Ravina kagabi? She's so mad habang ang mga maid ay nakatingin lang sa amin, mukha pa nga silang nagaalala, eh. Sinubukan kong magsalita but Lila broke a glass, hindi ko alam kung sadya iyon o ano pero ang timing niya.

           I don't know why she's so mad? Kulang na lang lumuwa na eyeballs niya sa sobrang panlalaki ng mata niya. Not gonna lie I got scared, I almost lost the fact that she's my Auntie kasi para siyang naging ibang tao. Iyong pagka malumanay na boses niya nawala. Basta, nakakatakot. 

            She told me not to open the window at night and don't leave the house kahit pa diyan lang ako sa tapat. And mostly, not to talk with anyone lalo na't hindi ko naman daw alam ang pangalan. 

             After niya akong sermonan ay pinabalik niya ako sa kwarto ko. I missed the dinner kaya dinalhan ako ni Lola Abi ng pagkain pero hindi ko ginalaw, nawalan ako ng gana. 

            I forgot to ask Auntie about the third floor kasi nga natatakot ako. Grabe siya magalit, baka mag transform into–

*

*

….dragon.

"Vivianne?" Agad kong isinara ang notebook ko bago siya tignan. "Sorry kung agad akong pumasok. May ginagawa ka ba? S-Sige mamaya na lang."

Aalis na sana siya pero nagsalita ako. "No, Lila! It's fine." Nginitian ko siya na sinuklian niya naman.

Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko. Nakakatuwa kasi isinara niya talaga ang pinto. Umupo siya sa kama ko kahit na wala naman akong sinabi na pwede siyang umupo doon. 

"About kagabi. Sorry, hindi kita ipinagtanggol kay Madame. Bukod sa malalagot ako kay Lola Abi, ayaw ko ring mawalan ng trabaho," saad niya. Tunog genuine naman siya at mukhang maiiyak na.

"Okay lang 'yon. Tinignan lang kita kagabi kasi nanonood kayo habang sinesermonan ako," medyo mataray na saad ko kasi kahit paano ay nag-expect ako na magsasalita sila but no. "Pero sinadya mo bang makabasag ng baso?" 

Agad siyang umiling. "H-Hindi. nagulat kasi ako nong nagsalita ka. Sorry talaga," muling saad niya. Bakit sobrang big deal sa kaniya non? But maybe I can use it for something. Oo na, ako na masama ang ugali but if she really wants me to accept her apology then she has to earn it. 

"Lila," tawag ko sa kanya. "May alam ka bang pwedeng tambayan na hindi dito sa mansion?" Tanong ko sa kanya.

Saglit siyang tumingin sa kawalan na tila nagi-isip bago ngumiti at tumingin sakin. "Meron! Pwede sa pond pero hindi ko alam ang papunta doon pero may alam pa akong isa. But don't tell anyone na dinala kita don, okay?"

I wanna ask her why not? But decided not to. Baka hindi niya pa ako isama doon.

"Okay. Satin-satin lang iyon," sagot ko.

Tumayo siya at nagtungo sa pinto. Tumayo rin ako sa kinauupuan ko para sundan siya pero bago niya buksan ang pinto ay may ibinulong siya. "Ayaw niya na may ibang pumupunta doon pero hindi ka naman iba kaya siguro ay okay lang."

Niya?

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon