Chapter 47

97 6 0
                                    

No! I am not even going to think about it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

No! I am not even going to think about it. Walang patay na katawan, wala, wala!

But there's blood. Ano ito? Nababaliw na ba ako?

Nilapitan ko ang pwesto kanina kung saan nakalatay ang katawan. May dugo pa dito. 

Mas tanggap ko pa na nagha-hallucinate ako kaysa wala talaga dito ang bangkay na kanina lang na nandito. 

You know what? "Wherever you are please huwag ka ng babalik."

Pagkasabi ko niyan ay tumakbo ako papunta sa likod nitong cabin. May mga kahoy dito kaya kumuha na lang ako ng ilang piraso sabay takbo papasok sa cabin.

Hindi ko na tiningnan ang paligid dahil baka kung ano pang makita ko.

Inilapag ko ang mga kahoy sa gilid at naglagay ng ilang piraso sa fireplace. Binuhusan ko ito ng gasulina at sinindihan gamit ang posporo.

Kinapa ko ang bulsa ko pero wala ang kwintas. Nang kapain ko ang leeg ko ay nandito ito. "How did–hindi ko naman ito isinuot."

Agad kong tinanggal ang kwintas at saglit na pinagmasdan bago ihagis sa fireplace.

Kusang umatras ang mga paa ko patalikod nang maging kulay itim ang usok na nagmumula dito. Iniharang ko ang braso ko sa mukha ko nang magliyab ang apoy, palaki ito ng palaki.

Tumakbo ako palabas ng cabin at pinagmasdan ang apoy na mabilis na kumakalat sa kahoy na haligi nitong cabin.

"Vivianne"

"Huh?" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. "Sino iyan?" Tanong ko pero wala naman akong makitang kahit na sino dito.

Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng cabin, napako ang tingin ko dito habang isang pamilyar na lalaki ang bumungad mula dito.

Kinilabutan ako ng pagmasdan ang itsura niya. 

Nagtama ang mga mata namin. Malalaki ang hakbang na ginagawa niya habang palapit sa akin. Bawat hakbang niya papalapit sa direksiyon ko ay siyang hakbang ko patalikod. 

Pakiramdam ko ay mabubutas ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. 

Bigla siyang huminto sa paghakbang habang ako ay na estatwa sa kinatatayuan ko.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na yapak ng paa sa paligid. May mga tao na bigla na lang sumulpot galing sa gubat.

Nakatingin sila kay Keres habang pinalilibutan ito. Hindi ko sila kilala pero isang pamilyar na pigura ang namukhaan ko, si Auntie Ravina.

Kulay itim ang buhok niya at walang bahid ng puti mula dito. Ang balat niya rin ay wala man lang senyales ng katandaan. 

Umalingawngaw ang malakas na sigaw sa buong paligid, tila nangga galing ito sa ilalim ng lupa. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang paglandas ng kulay pulang na likido mula sa mga mata, tainga, at ilong ni Keres.

Samantalang ang mga taong nakapalibot sa kaniya kabilang si Auntie Ravina ay may binibigkas na hindi ko maintindihan. Magkakahawak ang mga kamay nila habang sabay-sabay na binibigkas ang salitang hindi ko pa naririnig sa tanang buhay ko.

Gusto ko pang mag-stay pero mas minabuti kong bumalik sa Tailor Shop. Umaga na kaya maliwanag na ang paligid at mas madali sa akin na alamin ang pupuntahan ko. 

Nang makarating ako sa bayan ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi na ito katulad ng dati, wala ng mga tao. 

Kung dati ay sobrang busy ng lugar na ito tuwing ganitong oras, ngayon ay sobrang tahimik. Ang mga bahay ay sobrang luma na at tinutubuan ng mga damo.

This place looks like a ghost town. 

Binaliwala ko ang katotohanang hindi ito ganito nakaraan lang at dumiretso sa Tailor Shop. Kung kanina lang ay mukhang magarbo at kaakit-akit sa mga mata itong shop, ngayon ay mukha na itong inabanduna.

Puro putik ang paligid, marumi ang bintana, at magulo ang loob. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng makapal na alikabok. 

Dumiretso ako sa fitting room kung nasaan ang mga mannequin ngunit wala na sila rito, pero may nakita akong sulat sa lamesa.

Pinasadahan ko ng daliri ko ang mga letra, bumakat pa sa daliri ko ang tinta kaya masasabi kong ngayon lang ito isinulat.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon