Dear Diary,
I'm glad that I get to talk to this person kahit madalas ang creepy niya. It's fun. Ganito na ba ako ka loner? Pabalik-balik ako doon without anyone knowing. Hindi pa siguro napapansin ni Auntie na nawawala ang susi niya.
Isinama ako ni Auntie Ravina kanina sa pond. It was fine until Ate Sarah. Hindi ko alam pero okay naman siya nung pumunta kami. Kwento pa nga siya kwento tungkol sa dati niyang bahay.
Natutuwa ako dahil hindi naman pala ganun ka-boring si Ate Sarah. But then her mood changed nong nag umpisa na kaming kumuha ng mga isda.
Hindi siya mapakali tsaka pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi niya nga masyadong mahawakan ang pamingwit.
Hindi ko pinansin iyon nung una kasi baka hindi niya lang gusto ang pamimingwit ng bigla na lang siyang bumagsak sa tubig. Ang sabi ni Auntie Ravina ay hayaan lang dahil marunong naman siyang lumangoy.
Pinipigilan kami ni Auntie Ravina na lumusong sa tubig para tulungan si Ate Sarah dahil raw malansa at baka malunod ako. Mabuti na lang at nandoon si Mang Martin at tinulungan si Ate Sarah.
Natataranta na kami pero nakatayo lang si Auntie Ravina malapit sa pond habang nakatingin sa amin.
Nagalit ako sa kanya dahil hindi siya tumulong pero ang isinagot niya lang ay matanda na siya. Totoo naman na matanda na siya pero nawawala na rin ba ang pake kapag tumanda ka na?
Kahit simpleng pangamba lang sa boses niya ay wala. Nagalit pa siya sakin nong tinulungan ko si Ate Sarah na maka ahon sa tubig.
She almost died. I don't understand why Auntie Ravina doesn't care or magmukhang may pake at least.
Ate Sarah is fine pero na-trauma na yata siya dahil ayaw na niyang marinig ang salitang pond.
Ate Sarah refused to talk about what happened kanina. Parang ayaw niya nga rin akong makausap, ramdam ko iyon. Nakita ko siyang umiiyak kanina kay Lola Abi. Magkayakap sila habang pinapatahan ni Lola Abi si Ate Sarah.
I asked Mang Martin kung bakit nahulog si Ate Sarah sa tubig. Ang sabi niya ay nadulas daw si Ate Sarah dahil may lumot ang tinatayuan niya kanina. I don't know but my system refused to believe that reason.
Alam niya kaya na mangyayari ito? Did he warn me?
BINABASA MO ANG
Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)
HororIn writing a letter there must be the one who wrote it. But how will you know if the person who's giving you the letters is really a person? You never see him, never hear him. How can you trust the person behind the closed, old, creepy door? Vivian...