Chapter 9

116 12 3
                                    

Dear Diary,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Diary,

         Time flies so fast. Medyo nag-enjoy na ako sa pagsusulat sa journal na ito knowing that I have no one to talk to. Today Auntie Ravina and Dad brought me to the pond not far from here. Hindi ko alam na may pond pala dito, napagkamalan ko pa nga itong lake dahil sa lawak niya pero puro isda lang ang nandon. Ginawa nilang farm ng mga isda. Doon nanggagaling ang kinakain namin.

        Tago rin siya dahil habang papunta kami muntik na kaming maligaw sa gubat. Mabuti na lang at nandoon si Auntie Ravina na sinusundan namin. Dad doesn't have a good sense of direction. 

        We fetched some fish and bumalik na agad sa mansion. Actually, not agad. We stayed there for the whole morning and afternoon. Picnic na rin, ganon. 

         Habang naglalakad kami pauwi ay itinuturo sakin ni Auntie Ravina ang mga puno na may tanda, iyon daw ang sinusundan niya para malaman ang daan papunta at pabalik sa pond. 

          I asked her why she needs to put those marks. Para raw hindi niya makalimutan dahil tumatanda na siya at para sa paningin niya ay pare-pareho lang ang mga puno. Si Mang Martin lang din daw ang isa pang nakakaalam ng daan papunta doon.

          When we got home kinuha agad ni Lola Abi at Lila ang mga isda na nakuha namin. Dumiretso naman ako sa kuwarto ko para makapag pahinga. 

          Noong pa-uwi kami napansin kong nagmamadali si Dad, paulit-ulit ang tingin niya sa relos niya. Hindi siya mapakali. I ignored him the whole time.

*
*

Agad kong inilapag ang ballpen ko sa lamesa at patakbong sumilip sa bintana ng kwarto ko. May narinig kasi akong sasakyan.

Nang makita ko kung kaninong sasakyan yon ay medyo na-disappoint ako. Umalis si Dad ng hindi man lang nagsabi sakin.

Nasa labas din pala ng bahay si Auntie. Nagtama ang mga tingin namin pero agad akong lumayo sa bintana at pabagsak na humiga sa kama.

Naramdaman kong bumigat ang talukap ng mga mata ko. 

*Tap *Tap *Tap

*Tap *Tap *Tap

Nagising ako sa tunog ng tila may kumakatok. Gabi-gabi ko itong naririnig pero iba ngayon, mas malakas siya.

Oh- wait. Someone's at my door. Dumapa ako sa kama ko para makita kung may tao nga ba sa labas ng kwarto ko, baka kasi naalimpungatan lang ako pero meron nga. 

Kakatok siya tapos ilang segundo ay hihinto tapos kakatok ulit. 

"Auntie?" Tanong ko dito. Naghintay ako ng sasagot pero wala. Patuloy pa rin siya sa pagkatok.

Tumayo na ako para pagbuksan siya. Nang hawakan ko ang handle ng pinto ay may piraso ng papel na lumusot mula sa maliit na awang ng pinto sa ilalim.

Dinampot ko ito. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat.

"Close the window."

Agad akong napatingin sa bintana ko. Nakalimutan ko nga pala siyang isara kanina.

Isang papel na naman ang lumusot mula sa pinto. Muli ko itong dinampot at binasa.

"Parating na si…" Sino?

Binaliktad ko pa ang papel para I-check kung sino pero wala, tanging scribbled letters lang ang nandoon. Hindi ko maintindihan.

*Tap *Tap *Tap

Pamilyar iyon this time. Agad akong napatingin sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. T-the window, there's someone in my window!

Hinawakan ko ang door knob ng pinto at pilit na iniikot pero ayaw mabuksan. I can see it, the hands…there's a hand from my window. 

I should have closed it earlier! Dammit!

"Help!"

"Auntie!"

Kinalampag ko na ang pinto. Hindi ko alam pero nilalamig ako at natatakot. Sobra, hindi ko na nga maramdaman ang kamay ko sa lakas ng paghampas ko sa pinto, nagbabakasakali na may magbubukas nito.

"Vivianne! Vivianne wake up!"

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon