Chapter 16

99 9 2
                                    

"Sa likod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa likod. Tara!" Muli kong hinila ang hagdan habang sinusundan si Lola Abi. 

Sa kabilang side kami ng bahay dumaan kung saan puro matataas na damo lang ang nandito. "Let me help you." Tinulungan ako ni Lola Abi na itayo ang hagdan, medyo nahihirapan pa kami dahil nga ang taas nito pero nagawa naman namin.

Isinandal namin ito sa pader. Sakto lang ang taas niya para maabot ang bubong sa second floor kaya kailangan ko pang mag-ala akyat bahay para makapunta sa bintana na nasa third floor.

"Hindi ba iyon naka lock?" Tanong ko kay Lola Abi. Saradong-sarado kasi ang bintana.

"Malalaman mo," sagot niya at naglakad palayo. 

"Wait, thank you po." Pagpapasalamat ko na nagpatigil sa kaniya.

Humarap siya sakin at saka ako tinignan ng seryoso. "Huwag mong sasabihin kahit kanino ang ginagawa mo, Vivianne," aniya.

As if may mapagsasabihan ako. 

Nang mawala sa paningin ko si Lola Abi ay nagsimula na akong umakyat. Mariin akong napakapit sa hagdan dahil tumutunog siya, tunog na marupok na siya parang si Melody, ganon.

Ahhh my best friends. I miss them. Napailing ako, focus Viv!

Maingat ang hakbang na ginagawa ko dahil hindi ko afford na mabalian ng buto ngayon. Nang maabot ko ang dulo ay agad akong sumampa sa bubong. Mabuti na lang at sanay ako sa heights.

Kinakapa ko ang bubong gamit ang paa ko, pina pakiramdaman kung kaya ba ako nito. I'm not that heavy, it's better to be sure than sorry ika-nga. 

Dahan-dahan akong naglakad pakapit sa bintana. Hinanda ko muna ang sarili ko sa pagtalon. "Okay, Viv. It's either makaka-kapit ka sa unang try o babagsak ka sa lupa para madislocate ang buto mo."

1…2…mariin akong kumapit sa corner ng bintana. Itinukod ko ang paa ko sa pader para mai-angat ang sarili ko. Pag-angat ko ay kusang bumukas ang bintana kaya dumiretso akong bumagsak sa loob. 

"Ahh!" Sigaw ko. Nang bumagsak ako ay agad akong napa-upo at pinagmasdan ang paligid. "Oh my god," wala sa sariling bulong ko at tumayo.

Naglakad ako palapit sa terrace at tinanaw ang ibaba, kita ko mula dito ang pinto ng kwarto ko pati ang pinto ng mansion. Nakita ko pa si Tessa papuntang kusina. 

Umatras ako para tingnan ang paligid. "No way…" bulong ko. "Katulad ito ng nasa panaginip ko."

May mga salamin at bookshelf nga lang na nagkalat pati mga painting ng mga taong hindi ko kilala. Isang painting ang umagaw ng atensyon ko, nilapitan ko ito at tinitigan. Katulad ito ng malaking painting na nasa first floor pero…pero parang may mali.

Napalingon ako sa likod ko ng tila may maramdaman na dumaan dito pero wala. Hangin lang siguro.

Kung papunta sa second floor ay dalawa ang hagdan, dito ay isa lang at nawawala pa nga. Kaya pag akyat mo ay pakaliwa lang ang direksyon mo kung nasaan ang tatlong pinto. 

Bawat pinto ay pare-pareho lang naman. At infairness ang linis dito, ah. How? Bakit malinis dito kung walang pumupunta dito? They're lying! Kasi kung walang pumupunta dito dapat hindi ganito kalinis dito. 

Nakita ko ang pinto na nasa pinaka dulo. Nagtaasan ang balahibo ko dahil pareho na pareho sila sa panaginip ko. 

Nilapitan ko ito. Nang makalapit ako ay sinubukan kong ikutin ang door knob pero naka lock. Mula dito ay natanaw ko si Auntie Ravina na pumasok sa kwarto niya which is katabi lang ng kwarto ko sa second floor kaya agad akong umupo para hindi niya ako makita. 

Katabi ko lang itong pinto sa kanan ko. May tao kaya sa loob? 

Itinapat ko ang kamay ko sa pinto para kumatok nang may bumulusok na piraso ng papel mula sa ilalim ng pinto. Dinampot ko ito at binasa.

"Anong ginagawa mo sa labas ng kwarto ko?"

Pagkatapos ko itong basahin ay agad akong tumayo at lumayo sa pinto pero nanatili akong nakatingin dito.

Ngayon ko lang napansin na may anino sa likod ng pinto. I-I mean, sa ilalim. May pares ng paa na nakatayo sa likod nitong pinto. 

Na-istatwa ako sa kinatatayuan ko ng isa na namang piraso ng papel ang nagmula dito.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon